As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Wednesday, June 11, 2008

Kumpareng Rico.

Huling araw na ni Pareng Rico ngayon. Si Rico ay ang aking kumpare mula pa sa aking unang company na Allied Telesyn Philippines, diyan sa may The Fort. Si Rico ay may anak na Rica at ako ay ang kanyang ninong. Kaya kumpare.

Si Rico ay magta-trabaho na sa Oracle na muntik nang mamirata sakin. Madaming naituro sakin si Rico sa larangan ng programming, at kung meron akong guro ng programming, marahin siya yung elementary teacher ko. Hahaha.

Oi Rico, magkikita pa tayo at bubuuin ang pangarap na Velambol Group of Companies... MagsomVela ba yun? Basta, yun na yun. Maliit lang ang IT, at magkikita tayo. Taena, tagal ko lang dito sa RDI eh. Mag tu-two years na ako dito, pero parang ang rami nang nawala. Ganun talaga, mabilis ang IT world. Haha.

Medyo napapansin niyo ba na nagtatagalog na ako sa Blog ko? Kasi June 12 eh, wala lang. Sige, alis na ako!

Shorts: Little thoughts stuck in mind.

5:30 AM.

Naliligo ako sa banyo. May napansin lang akong wierd. Mas malaki ang kanang binti ko kesa sa kaliwa. Yes, people, mas malaki ang kanang binti ko kesa sa kaliwa. Wierd lang eh. Pinagmasdan ko silang mabuti... let's call them, B1 and B2 - for binti 1 and binti 2. Ewan ko kung bakit mas malaki si B1 kesa kay B2. Di naman ako nag pi-piko. Pag naglalakad naman ako pareho ko silang gamit. Bakit kaya?

Meron bang nakapansin ng size ng binti nila? Medyo nababahala na ako eh. Meron akong kaibigan dati, itago na natin sa pangalang Aragon, na minsang nagsabi sakin na mas malaki ang kanang braso niya sa kaliwa. Sabi ko sa sarili, plausible yun sapagkat depende sa sitwasyon, I mean, depenede kung kaliwete ka or otherwise, mas lalakas yung gamit mo sa isang braso kesa sa isa... lalo na pag lalake ka... if you get my drift.

Anyway, ang wierd talaga. Sige, maliligo ulit ako at titingnan ko ulit siya mamaya. Baka antok lang yun kaya nagkaganun ang tingin ko.