Gutom na ako ey.
Friday, as usual, may lakad. Celebration ni Dianne sa Yellowback dito sa may Elpi. Ayun, nakiki Yellowback na ako ah? Kasi nasa iisang gusali sila ni Starbucks kaya naging Yellowback yung Yellowcab. Basta yun na yun.
Matagal-tagal na rin akong walang alak sa katawan, mga two weeks na kaya balak ko din mag inom ng onti kasi balak ko pumasok ngayon (saturday), ngunit hindi ito natuloy kasi medyo tinamad na ako. Pag-tapos namin kumain ng Pizza, nagtungo ang tropa sa JR's. Isa siyang Carwash/Grill... labo ng kumbinasyon pero ok naman. Ang may ari ng establisiyementong ito ay si Rochelle Barameda. Nyahaha. Basta artista yun. Minsan nga nakita ko si Jomari Yllana at si Aiko Melendez dun eh. OK balik sa mga nangyari, edi nagkakabigatan na sa kantahan ng mga paborito namin mga kanta.
Syempre, andiyan yung Amazing. Haha. Mga bandang 2AM na rin ako nakatungtong sa may bandang RFC. Pero hindi pa pala tapos ang gabi. Nakita ako nila Jonaz na kakagaling lang sa okrayan sa Sitcom at tinawag niya ako. Gutom na gutom na rin ako ng mga oras na yun sapagkat 2 hiwa lang ng Pizza ang nakain ko... naghahanap ako na bukas na Baliwag o Andoks. Yung Baliwag samin sarado na, kaya kelangan ko tumawid para naman sa Andoks. Sa kasamaang palad, ang baboy ay hindi pa luto. Kaya sumama na lang ako kay Jonard ihatid ang mga kasama niya at kung sakaling may makita akong Andoks na bukas, i-ja-james Bond ko na yung baboy dun.
Sa last stretch ng hatidan, may nakita nga akong Andoks na bukas na may lutong baboy malapit sa SM Bacoor. Dun na lang kami kumain sa bagong bahay nila Jonaz na puno ng aso. Ayaw ko na kasi magsaing ng kanin. At balita ko delikado magsaing ng lasing.
Nagising ako ng alas diyes ng umaga ngayon. Tapos nag GTAIV muna ako sandali, kaso medyo disoriented pa ako kaya di ako makatapos ng mission. Tamang tama pag baba ko at pagbukas ng TV eh kakasimula pa lang ng Ocean's 13 sa HBO. Balak ko sanang bumili ng 13 na debede dito sa RFC. Kaya nga pala ako nasa RFC ngayon eh kasi nagbrownout samin. Balak ko din sanang mag gym ngayon kaso gutom ako eh, at walang pagkain sa bahay. At medyo tinatamad na ako kaya bukas na lang sa Makati.
Langya, ang gulo na ata ng post na ito. Pero yun na yun. Gutom ako at brownout sa bahay. Lakas pa ng ulan sa baba kaya stranded ako ngayon dito sa Plangketa Computer Shop. Gusto ko din sanang mag billard kaso wala naman ako kalaro. Di naman ako makauwi kasi nga lakas ng ulan at walang pagkain dun. Parang gusto ko din mag Baliwag ha?
Sige na alis na ako.