As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Saturday, October 11, 2008

Eh?

Kagising ko lang. Nagimbita pala si Rosario na mag Redbox. Shempre libre niya kasi galing siya Singapore ng matagal na panahon at miss niya na kami. Haha. Tagal ko lang naghintay sa kanila eh. Ang usapan 9:30, pero nagintay ako kay Joan at Rio siguro hanggang 12. Buti na lang andun si Pak at si Dap para samahan ako sa aking pagiisa.

Pauwi na ako kaso nagtext pa rin si Rio na maghintay. Pero inaantok na ako at walang nagawa ang Kape para maibsan ang aking antok. Tapos nakakaramdam na rin ako ng matinding gutom kahit nag food trip kami nung Lunch. Umuwi na rin ang mga kasama ko at hinatid ko pa yung isa pero pagdating ko ulit ng Greenbelt eh wala pa rin. Pero makalipas ang ilang minuto at dalawang biyahe sa banyo, nakita ko si Joan na tila lasing. Sinalubong ko siya at galing pala siyang the Fort. At ilang minuto pa ay nakita na namin si Rio at mukhang lasing din. Pero di pala siya lasing, pilay lang. 

Langya, kaya pala ang tagal nila eh may mga sariling lakad pa pala to. Ayun, nag bideoke kami hanggang alas dos siguro. Tapos umuwi sa Hotel na tinutuluyan ni Rio. Ay oo nga pala, Public Service: Wag kayo mag Hotel sa El Chielo ata yun sa may Pasay Road. Kung magrarate ako ng hotel siguro 1/2 Star yan.

Nagising ata ako ng 6. Tapos nagbasa ng onti at hinintay sila gumising. 

Lesson: Wag magtiwala sa mga babae pagdating sa mga lakad.