As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Monday, March 24, 2008

Kamote.

Hindi na ako bibili ng grocery amp. Pag bumili ako ng grocery, for sure, puputaktehin nanaman ng mga kapatid kong hindi marunong magpigil. Ang bigat lang eh, parang ilang araw lang ako nawala, simot yung mga pinagbibili ko. Amp. Sabi nga ni inay, naawa siya sa aking bunsong kapatid kasi pag yung isa ang bumili, itatago niya sa kwarto niya, pero pag siya naman ang nangkuwa, wala lang sa kanya... oh well. May mga tao talagang ganyan.

----

Tama na nga yang kabigatan na yan. Ganyan talaga eh. Yung sunday nga pala, nagyaya mag alumchaw si Congrads sa Mc Do. Eh, since my hidden agenda ako pinuntahan ko sila. Pag dating ko ng Mc Do, niyaya ko sila mag SPLASH ISLAND. Hahahahha, langya, burong buro na ako sa bahay nung holy week eh, gustong gusto ko magswimming.

Kaya nung hapon, diretso kami ng Splash Island. Wala lang, hindi na pala enjoy yung mga slide-slide don. Nakakatakot yung mga yun nung bata pa ako eh, pero ngayon, wala nang dating. Ok lang, enjoy naman eh.

Pictures? Nasa friendster. Yeah.