Flower boy.
Bigat. Ako ang ginawang taga-deliver ng flower ni pareng rico na nasa Dublin ngayon. Bigat lang eh. Pero ok lang. :)
Nyways, nga pala, may super creepy story ako... Shet. Kaso baka binabasa niya to eh, mahirap na... Basta super creepy. Parang tales from the crypt ba. Basta, involved halos lahat ng pamorningan group. Basta, parang horror movie ang dating. Waaahh.. haha..
--
Updates:
Okay, okay... So, nandito na ulit ako sa office. Nandun na ko kanina sa Buendia nang tumawag si Tess para makipaglaro ng pingpong. Eh, bigat nun, pagdating ko, wala sila dito. Amf. Pabigat lang eh. So, bumalik ako dito at pinatago ko kay manong guard yung bulaklak na binili ko para kay mama at dun sa helper namin. Ok.
Ang scenario kanina, nagpunta kami ni Reggie sa LBC para magpadala na lang ng super mahal na bleep na bulaklak. Amf talaga. Mahal eh. No choice, pero pag punta namin dun, sarado na yung bleep na rip off na tindahan na yun. So, wala nang pagasa. Naglaho na parang bula. So, nagdecide ako umihi, kasi naiihi ako. May nadaanan ako nung papunta ako ng CR. Alam niyo kung ano, siret? - FLOWER SHOP! Hahahaha... mas mura at may delivery rin. Wakoko... So, punta agad kami dun, yung rose na boquet, mahal nga. Shet. So text ako kay repa Rico, sinabi ko yung presyo, buti na lang ang gusto niyang plower ay yung Malaysian Mums na MAS MURA! Wakokok, so nakatipid na kami. Pero sa huli, si Reggie na lang ang nag order, amf. So, ok lang pala.
Hehehehe... Anyways, ayun lang. At least may bulaklak. Hmmm... gawa tayo ng poem tungkol sa bulaklak.
Poem 302
Bulaklak, para kang alak,
para ka ring drugs, na sa tabi tabi ay tinutulak,
Ang halimuyak mo'y mabango bulaklak,
para bang pabango na nilagay sa bulak.
Oh, bulaklak ewan ko kung baket ganyan,
may lumalabas na amoy sa iyong kinalalagyan,
gawa ka ba sa pabangong luntian,
para lang may marhyme naglagay ako ng tiyan.
Bulaklak, baket ang dami dami mo,
ibat ibang kulay parang rainbo,
bat ko binawasan ng w yung rainbo,
wala lang, para lang mag ryhme, bobo.
O bulaklak, tatapusin ko na ang tula ko,
sana bukas meron nang sweldo,
para naman makabili pa ko ng isang tulad mo,
at maibigay ko kung kani-kanino.
Bow.
Bulaklak, para kang alak,
para ka ring drugs, na sa tabi tabi ay tinutulak,
Ang halimuyak mo'y mabango bulaklak,
para bang pabango na nilagay sa bulak.
Oh, bulaklak ewan ko kung baket ganyan,
may lumalabas na amoy sa iyong kinalalagyan,
gawa ka ba sa pabangong luntian,
para lang may marhyme naglagay ako ng tiyan.
Bulaklak, baket ang dami dami mo,
ibat ibang kulay parang rainbo,
bat ko binawasan ng w yung rainbo,
wala lang, para lang mag ryhme, bobo.
O bulaklak, tatapusin ko na ang tula ko,
sana bukas meron nang sweldo,
para naman makabili pa ko ng isang tulad mo,
at maibigay ko kung kani-kanino.
Bow.