As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Monday, March 20, 2006

There are times when you really have to choose.

Bleep! Facing a major dillema right now. Yung sa sinasabi ko, dun sa ITS International. Tanggap na nga ako, kasi kinukulit na ko for final interview. Ako, di nagrereply sa text ni Raul. Kulang na lang ang aking pagpunta dun para sa final interview and orientation.

Eto ang aking dilemma. Last choice ko na kasi dun sa ITS international. Kasi ang layo talaga pare. Sa Libis eh! Pucha... bago ako makapunta dun, yari ako. Chaka mukhang lugi ako sa pamasahe. Ano kaya ang gagawin ko, kunin ko ang siguradong pasok na ko, o maghintay sa mga dadating na pwedeng mas maganda. Kasi kaninang umaga, tumawag na ang Sysgen. Sa may Makati lamang yun kaya maganda.

Taena, di ko alam ang aking gagawin. Baka sa huli, ako ay mawalan ng tuluyan kung ipagpaliban ko pa ito.