As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Sunday, February 22, 2009

Nahuli.

Nahuli kami kagabi sa Pasay dahil sa isang violation na ngayon ko lang narinig. Malas lang kami nila Cloz lately pag dating sa driving. Naglagay na lang siya imbes na mahassle. Ang badtrip dito, talagang yung pulis, kinukunsensya kami na maglagay nga. May mga lines pa siyang: "Inaaalala ko lang kasi baka mahassle kayo..." Putsa. 

Oh well, ganyan talaga ang sistema dito eh. Ako putsa, if ever na mahuli ako, sa city hall na lang. Basta gawin niyo lang ng tama ang trabaho niyo. Oo, anjan yung maha-hassle nga at mas mahal na babayaran, pero at least, may tama kang ginawa. O sinasabi ko lang to kasi hindi pa ako nahuhuli ulit at nung unang huli ko iba nagbayad? Hehe.

The point is, kaya ganito ang nangyayari sa pilipinas, simpleng batas lang hindi sinusunod. At minsan dinadagdagan pa. Putsa, ngayon lang ako nakarinig ng violation na ganun. Anyway, sige, bahala na si Batman.