As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Thursday, February 08, 2007

Review, videoke, bigat, bigat, at bigat.

Review:

Ok, tapos na ung SCJP report part II ko. So, nabawasan na ko ng isang tinik sa aking lalamunan. Ngayon, todo aral naman ako para sa TDP training kasi ako pinakabano sa grupo namin, kasi ngayon lang ako makakahawak ng ganun. Ngayon, aral lang ako ng aral at ginagarapal ko na ang pagpprint dito sa office. Lols. Meron namang tindahan ng ink jan sa may kanto eh, bahala na sila.

Videoke:

Nagkayayayaan nanaman sa Videoke. Actually, ako nagyaya. Lols. So ayun, mas enjoy this time kasi wala nang hiya ang kanta ko. Lols. Pero sa totoo lang, mejo di ko nilupitan ang pagbirit ng mga tunes ko eh, kasi di ako nakapag-vocalization nun. Parang warm up ba in terms of basketball? Anyways, so ayun na nga, apat lang kami eh, pero enjoy pa rin. In pak, mas enjoy pa to kesa nung nakaraan. At nakanta ko yung amazing, bitin nga lang.

Bigat:

Pero bago ako nakapagenjoy sa videoke, nagkaroon muna nang bahagyang bigatan. Kasi naman, nakalimutan ko yung kinanginang box nung celpown na binili ko. Buti na lang nakita nung malupet na guard (na natutulog obyusly kasi di niya sinasagot ung pown sa reception). Ayun, binalikan namin ni Ventura yung pown ko. (Tenkyu nga pala kay Tess kasi sinamahan niya ko pabalik kahit 1am na).

Bigat:

Kaninang umaga may bigatan nanaman. Bigat ni mama eh. Kinuwa na daw niya ako ng insurance (kasi sabi ko sa next 2 or 3 months pa, pero sabi niya iba na ung price non). Eh wala ako pera, lols. Tapos sabi niya, binayaran na daw niya muna, regalo niya daw sakin kasi di ako nagpabigat nung nagaaral pa ko. Lols, kung titingnan niyo ung older blog ko sa tabulas, nabanggit ko dun na papahongkongin daw niya ako, pero di natuloy. Anyways, yun na nga, kinuwa niya daw ako ng insurance. Bigay na daw. Ang catch : Madadagdagan daw yung ibibigay ko sa kanya every payday ng 200%. BIGAT!

Bigat:


Naka formal nga pala ako ngaun. Nasabi k na ata to dati eh. Yung pants na sinuot ko mga august, kasya pa, ngayon - HINDI NA! Lols! Di ko na sha mahook together. Amf! Tumataba na nga ako! BIGAT! Literally.

Pero nageexercise nanaman ako, babalik na ko sa dati kong sexy body. Lols.


Labels: