As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Thursday, June 14, 2007

Estafa Queen.

Amp!

Mukhang talagang nagancho na ko ni Stapaqueen. Well, pinagkatiwalaan ko lang naman siya. Kasi sabi niya dati, life and death situation na. Di ok lang naman sakin. Tapos ang nangyari, nung naniningil na ko, this is months after na, di na nagpakita.

Nawalan daw siya ng phone etc. etc. Tapos one time, nagpost ako sa friendster ng tungkol sa KARMA, tapos biglang tinamaan ang loka, nag-message sakin, sa friendster na lang daw siya imessage. Tapos di ko pinansin, tapos nung sisingilin ko na, di ko na pala siya friend at naka messaging off na.

What!?

Tapos eto pa, sa YM, naka-invisible na siya ngayon. Pero obvious na OL siya kasi may virus message siya na sinesend to all. Langhiya. So ngayon minessage ko siya ngayon, may pabuntis buntis pa daw siyang nalalaman amfufu.

Sayang talaga, sinayang mo pagkakaibigan natin. Kung sa simula pa lang sinabi mo na indefinite ang bayad mo, napatawad pa sana kita. Ngayon, ginancho mo pa kaming dalawa. Leche ka. OO nga pala, hindi lang ako yung nagancho niya by that same maneuver ha, dalawa kami. Parehong mga sinabi, exact text pa mismo. Nung natuklasan ko na nagancho din siya, nagpupumutok na ang butsi ko.

Kung buntis ka man, bat ka nagtatago, ang dami mong palusot. Sana maging kulay green ka!

Labels: