As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Thursday, October 04, 2007

Just doing what I am told! (Isang walang kwentang post)

Amf, hirap kausap nitong mga Russians na ito. Well, it's all in a day's work ika nga nila. Ginagawa ko lang naman ang sinabi sakin.

---UPDATES---
Di pala Russian yon, Romanian. Pak. Bigat. DI ko na ieelaborate ba basta!

------------------

Latest sa aking so-called life?

Wala lang, eto, nagmumuni-muni tuwing gabi. Oo nga pala, malapit ba birthday ko! Cool yon. Feeling ko nga talaga at ako'y tumatanda na. BTW, nakasabay ko yung isang classmate ko nung elementary. Alala ko, patay na patay sakin yun eh, lols. Tumaba daw ako? Tumaba nga ba ako? Hindi kaya.

Ayun, kulet lang eh, after all these years parang magkilala kami kung magkwentuhan, which I found cool, kasi walang ilangan all knowing na, yun nga, patay na patay sakin yun. Oi, ah, cute na siya ngayon, di tulad ng dati para siyang... Ahem.

Hahah, Hi! Kung mabasa niya to, deads ako. Lols. Napaka over-zealous ko naman. Hahaha.

Ok, so ano pa ba ang nangyari sa buhay ko, ayan nga, based don sa naisulat ko sa itaas, badtrip yang mga Russo na yan. Di ko maelaborate eh, pero yun na yun. Bat nga ba sobra ang freetime ko ngayon at nakakapagpost ako ng mejo mahaba-haba?

Erase, erase, erase!

Shep! Di concise ang aking talata ngayon ah, bigyan niyo nga ako ng topic. Ikaw, na nagbabasa nito, pag nakarating ka dito sa part na to eh bilib na ako. Nabasa mo yung nonsense na nasa itaas na yon?

Waaah, wala talagang pumapasok sa munti kong utak. Ay oo alam ko na! Eto na lang:

------
*LIGHTBULB (ting) *
------

Nagyayaya ang tropapips dito sa office na mangibang bansa. Mangibang bansa ba kamo? Eh di pa nga ako nakakaalis ng Luzon! Chaka wala akong tiwala jan sa mga eroplane na yan! Yun yung mga lumilipad na malaking bakal na may gulong na yari sa goma na galing Romblon. (?)

Basta ang tanging habiling ko sa kanila eh, if ever bumagsak ang eroplane at pinagpalang nabuhay sila, sabi ko sa kanila, pakisabi na lang sa aking ina at ama na mahal ko sila, kasi nag-fail ako sabihin sa kanila ito. Chaka pakisabi na rin yung ATM pincodes ko sa kanila para may ipangpalibing ako. Gusto ko cremation at isasaboy yung abo ko sa Batangas, dun sa pinagswimmingan namin kung saan muntikan na ako mamatay. Kasi dapat dun na ko kinuwa eh, kaso nabuhay pa ako. So nararapat lang na dun isaboy ang aking mga abo.

Ok, ano nga ba ang ginagawa sa ibang bansa? Eh hindi naman ako mahilig maga-ga-gala. Sino ang dadalahin ko? Dalahin ko kaya ang isa sa mga ka-date ko? Baka ano pa isipin ng mga yon. Ako lang ay nageenjoy ng buhay single at walang commitment. Nageenjoy nga ba ako?

Maglalakad ka lang naman don eh, eh pwede mo namang gawin sa Pilipinas yun. At sabagay, ayaw konaman talaga umalis dito sa Pilipinas kahit alam ko kung gano ka disfunctional ang bansang ito. Wait, word ba ang disfunctional. Basta yun na yun, blog ko to at pwede ako magimbento ng salita ko. Tulad ng kurting. Bigyan natin ng meaning yan na kurtina na may design na pusa.

Amp, ano ba tong pumapasok sa isip ko.

Sige na nga alis na ko! Bye!




Labels: