Team Building-buildingan.
Nag Antipolo kami ngayon para sa team building na napurnada nang minsan. Walang mga boss eh at ang onti lang ng nagpunta. Naglongcut pa kami papuntang Loreland, Antipolo (kasi mali ata yung map na nabigay samin) at nagkaligaw-ligaw pa yung sumusunod sa akin na convoy. Ramdam mo yung nagmurang gas eh. Kahit onti non, ang sulit. Hindi na ganon kasakit sa bulsa.
Ayun, pagdating namin don, di na nasunod yung activity na pinrepare para sa teambuilding. Nagbasketball, swimming tapos nag videoke na lang kami. Tapos puro kain. Kinain namin pang 24 na tao kasi sayang eh luto na, tapos dose lang kami nagpunta. Mamaya-maya kakain eh. Medyo bitin nga lang kasi onting oras lang, pero ok lang, enjoy.
Yung pauwi, nagshuffle ng pasahero, tas yung isa alam yung shortcut pabalik ng EDSA. Sobrang trapik jan sa langyang Ever na yan. After ilang hours, nakauwi naman ako ng buhay. Sana maulit tong ganitong mga team building kasi nung una puro kain lang sa labas tapos one time nga pala nag bowling kami pero boring din kasi boring na sports ang bowling eh.
Sige.