As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Friday, August 29, 2008

After 6 years... haha.


Awts, yung puma kong pula na college pa lang nasa kin na, tuluyan nang nabutas. Mas nauna pa yung bago na Vans masira kaya kala ko magtatagal na to poreber. Haha. Papasukin na rin ng baha to kahit ilang maskin tape pa ang ilagay dito....

Dami na naming pinagdaanan nito eh, baha, coup, lindol, bagyo, nakaakyat na rin ng bundok to, nakadating kung saan saan, suot ko to nung nagda-drama ako, nung masayang masaya ako, eto din yung suot ko nung muntik ako malunod ako, nung nakasakay ako ng kalabaw, nung naghike ako ng 3 oras... basta madami na.

Unti unti na rin mapupunit to... kelangan na bumili litsi... kaso mahal sapatos ngayon eh, tae. Hirap naman maging mahirap ika nga ni Dong Abay. Gawan natin siya ng tula? Ay wag na lang... letse, napapraning nanaman ako... gusto ko na umuwi!