Tick Toc, Tick Toc.
Amp. Para akong sinesentensyahan. Di ako nakatulog kagabi, nakatingin lang ako sa bubong, nakatingin sa note kong napakatagal nang nakadikit sa bubong. Nagiisip, nangangarap. Apat na oras na lang at pupunta ako ng Quezon City. Tinitingnan ang possibilidad na hindi ko alam kung gusto ko ba, o napipilitan lang ako kunin. Sabi ko kay Dio, bigyan niya ako ng Segno. Sana maibigay niya sakin to habang nasa daan ako. Hindi ko alam kung kaya ko ito. Ito na ata ang pinakamalaking pagsubok na binigay sakin ni Dio. Nadidinig ko ang orasan, tumatakbo to. Dios Mio. Ewan ko kung ano gagawin ko, pansin na pansin ang eyebag sa aking mata gawa ng pagkabagabag. Baliw na ata ako.
Meron pang nagtext:
Baliw ka nga talaga. Kung ayaw mo, di na kita mapipilit. Pero alam mong andito lang ako.
Hindi ko na inintindi to. Pero dito ako sa isang text nawindang:
Siguro tapos na purpose ko sayo.
Meron ka pang purpose. Sana magawa mo bago ko hawakan ang papel.
3 Hours and 46 Minutes.
Tick toc, Tick toc....
Labels: Updates