As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Friday, July 04, 2008

Weekender!

BIyernes na, sarap ng pakiramdam. Ito ang unang beses sa nakaraang linggo na di ako papasok ng sabado. Medyo ok naman kasi nakahabol ako sa schedule. Mahirap maghabol ng gawain lalo na ang gawain mo ay bago ka pa lang.

Eto problema natin ngayon, hindi ako booked ngayong weekend. Walang lakad. Gusto ko ng lakad na hindi ako iinom. Medyo masarap sa pakiramdam ang makatawid ka ng isang linggo di ka nag-iinom. Parang yung feeling ni Luke ng sinabi sa kanya ni Obi-wan na gagawin siyang Padawan... o kaya parang yung sinabi ni Hagrid kay Harry na isa siyang Wizard. Ganun pare.

Balak kong tumambay lang sa bahay. Pucha, tapusin ang mga sangkatututak na DVD na binili ko. Pero sa tingin ko di aabot ng Linggo yun kung mamaya ko sisimulan. Kelangan ko mag refill ng stash. Ganyan lang naman ako, makanood lang ako ng solid na pelikula, Ok na ako. Yung tipong pelikulang kahit ulit-ulitin mo eh, ok pa din.

Oi pucha, si Pacquiao na sa labas! Sandali lang check ko lang...

Awts, sandali lang pala, di traffic eh. Dumaan lang sa Ayala. Ok balik tayo sa aking Blog. Wala na akong maisip na topic eh. Tapusin ko na tong post na to. Gusto ko magswimming at bumalik sa dagat. Wala lang.

Geh!


You got me twisting...

Palakang Kabkab, kumakalabukab, kaka-kalabukab pa lamang, kumakalabukab na naman.

Make sure you got lots of free time because this will take time.