As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Friday, October 03, 2008

Malas part 2.

Sarap ng umaga ko, pagod na masarap pag galing sa jogging, walang traffic, maganda ang araw hindi masiyadong mainit... tapos pag pasok ko ng office, nagbrowse ako as usual. Pero biglang nasira PC ko. Letse. Buti na lang hindi burado ang lahat, pero ang hassle. Parang back from scratch din.

So ngayon, puro copy paste ang ginagawa ko. Buti na lang, hindi nareformat ang PC ko. Kungdi, burado ang 2 years worth of files ko. Nangyari na to ng nakaraan sakin pero mas deadly pag yung current files ko ang burado. Oh well, isang araw ng work ang nawala sakin. Bakasyon sa monday, pero mukhang papasok ako para lang makahabol.

Hays. Malas.