The week it was.
Hehehe, natatawa ako minsan sa sarili ko eh. Yung sa ADTX nga pala update ko kayo. Okay na sana dun eh, sabi kasi nung kakilala ko okay daw. Eh, nagtest na nga ako, so, pumasa naman. Eh nung tumawag, mali ng office ang sinabi! So, sa asar ko di ko na sinipot ung interview. Naghintay ba naman ako dun sa opis nila nang 1 hour, tapos sasabihin wala ako sa listahan at sa Alabang talaga yung interview ko. - Amp.
Yung sa Chukiden nga pala. O ayun, okay na ako don eh. Kaso ang layo naman, so di ko na pinersue. Yung sa Fort nga, madedo-dedo na ko, sa Ortigas pa. Chaka ang gulo nung building nila, Zoning yung elevator.
Tapos yung kina Trachelle naman, eto yung nakakahiya eh. Parang naasar pa sakin yung boss niya. Kasi pinagawa ako ng presentation, eh knowing my skills, kaya ko yun. Pero, dahil nga mejo tinamad ako nun, at walang resources, sabi nung boss nia kay trachelle - parang di naman interesado yun eh. Nakakahiya, pero yaw ko naman talaga don. Mapilit lang talaga ang aking kaibigan.
Tapos eto naman yung sa Digital Dimensions. Excited na ko kasi Makati din! So di ako mamumulubi sa pamasahe, di tulad ng Ortigas na sobrang layo. Ok na Ok na ko eh. Tapos nakita ko si Jonard, sabi niya nainterview na din daw sha don at wag na daw ako pmunta don. Kasi sobrang bulokis talaga nung opis. Yung elevator daw nakakatakot at naisip ko baka matetano pa ko dun. Tapos yung mga upuan daw sa loob, sira na. So, ayaw ko na don. Shet.
So, eto nga ako ngayon, fully booked ang aking interview schedules. Parang artista ang dating ko eh. So, yung tuesday, dun sa palpak na ADTX. Amp yung mga HR nila don. Sobra. Tapos kanina nga sa RADIX. Hahahaha, natatawa talaga ako sa sarili ko. Ganito yan, nakarating ako ng 30 minutes early sa BONI. So, naghahanap na ko ng building, mejo nakatingin pa ko sa taas, sinisilip ang langit para sa isang sky scraper. Tapos tanong ako ng tanong ng Hino building na yan, tapos nakita ko nga ung HINO, di pala sha building. Amp, bulokis na parang ewan. Kaya pala ganun, kasi 1993 pa yung building. Underground yung office. Nakakatakot din kasi para shang hunted house, walang pintura at yung mga Pc nila, oldskul pare! At ang nakakatwang part niyan eh, pumasok na ko at lahat dun, naupo ng five minutes, pero naisip isip ko na lugi ako sa 2 and a half year contract nila, at panget pa na language ang papahawak sakin. Narinig niyo na ba ang RPG at AS400 na language? May mga company na gumagamit niyan pero obsolete na talaga yan, nagawa na daw yan before pa mapanganak ako. So, obsolote pare. Mabango na sana eh, may training and stuff. Pero dahil dun sa language at contract... No na ko. Pero pumunta pa rin ako nonetheless, pero nung nakita ko yung office, mejo nahihiya na ko umalis. Pero, i mustered all the kakapalan ng mukha ko tapos walk out ako kunwari, sabi ko pa sa guard... "Manong, san ba may 7-11 dito?", with matching tawag pa sa phone kunwari na nawalan ng load. Tapos di na ko tumingin pa sa likod ko at karipas sa pinakamalapit na bus.
Tapos eto naman bukas, meron ako sa... Shet, nakalimutan ko yung company. Alam ko meron nagrefer sakin kasi wala sha sa jobsdb at jobstreet account ko. So tumawag sakin kanina, Um-oo naman ako, tapos abuso sila, 8 am ako kelangan, eh sa Libis pa yun. Futsa, ayaw ko na don. Eh, mas malayo pa sa Ortigas yun eh! Chaka lugi sa pamasahe. SO wala na yun. Chaka ano oras ako gigising? 5AM!? Deyns na.
Tapos kahapon, tumawag nanaman si Irene, yung HR dun sa Digital Dimensions na masungit. Sila na nga gusto ako mainterview parang masungit pa sha. Sabi, "O friday na alng to ah?" Ako naman, naintimedate ng boses nia, na hypnotize ako at napa - oo. Putsa, yari ako nito.
Nako, baka sa sobrang selan ko di ako magkatrabaho. Heheh, mejo tinatamad na rin ako sa bahay, pero mejo enjoy pa rin. Shempre, kahit ano dumating kukunin ko na, pero gusto ko maayos ayos naman. Amp, next week? Wala pa schedule eh, pero sana fully booked ulit ako tulad this week.
Well, di naman ako nagmamadali eh, enjoy muna and chill... Pero shempre, kung kelan dapat maging seryoso - seryoso tayo jan.
Pero sayang ung ADTX... eng eng lang ung HR nila. Ganda kasi Opis nila eh, lapit pa samin. Pumasa nga ko... grabe, engot talaga, naasar ako sa kanya. Huhuhu...
Okay lang yan.