Makapagkwento nga.
Eto kakauwi ko lang galing gym. Pagod as usual. Nakakadrain ang buong araw ka sa trabaho tapos mage-excercise ka pa. Medyo napansin ko nga na mali ang ginagawa ko sa gym kasi dapat daw focused ako sa isang body part sa isang araw... pero sabi naman ng iba at ng ibang articles sa net ay ok lang yun... Ano ba talaga? Sa sobrang accessible ng net, di mo alam kung papaniwalaan mo ba o hindi. Eto nakita ko nga pala months ago, ang Theory of Everything, hanapin niyo na lang sa HowStuffWorks. Apparently, ang kalahatan ay nai-plot na. So ang lahat ay naka Math. Kaya medyo Agnostic ako eh, dahil sa mga ganyan at kakabasa nang kung ano ano sa net.
Maiba tayo, napansin ko lang nowadays madaming may bitbit-bitbit ng Stephanie Meyer books. Ganito din dati nung nauso yung Da Vinci eh (isama mo na nung nauso yung LOTR, HP, Narnia atbp). Dito sa office meron atang 3 na may Twilight. Kaya alam niyo nangyari? Napabili ako ng sarili kong kopya although nabasa ko na to dati through E-Book. Kasi wala pa dito sa Pilipinas nyan eh kaya pa E-Book, E-book lang ako. Ayun nga, pero nature talaga ng Pinoy yan. Oh well. Medyo nakalimutan ko na rin yung libro kasi mediocre na story siya. Para bang Anne Rice meets Tabing Ilog. Bahahaha. Pero ok lang, wala na akong librong madevour ngayon. Hiniram ko nga kay Cloz yung interview with the vampire, balak ko sanang tapusin ulit ang Chronicles kaso medyo nakakadugo ng ilong yung plot at mythology ng Chronicles kaya pang isang basahan lang yan. Haha.
Ano pa ba? Ayan, ang bilis ng panahon, langya, Oktubre na. Waw. Mamaya maya December nanaman, Bertday ko nanaman. Mag be-bente tres na ako. Medyo natanda na tayo, wala na ako sa simula ng buhay nasa hapon na ako, tapos ilang taon na lang nasa bukang liwayway na ako tapos dead na. Eh ganyan lang naman talaga ang cycle eh. Waw, nagdrama. Ang bilis ng taon 2009 na, dati natatakot pa yung mga tao sa 2000 bug ba yun... wala naman nangyari. May mga gumawa pa ng bunker at kung ano ano pang kalokohan. Magugunaw daw ang mundo kasi matatapos na daw yung year of the 'FISH', e Jesus yun diba? Ewan, kung ano ano lang nababasa ko siguro.
Medyo may 30 minutes pa ako. Hinihintay ko kasi yung Survivor eh. Ayan na lang ang pinapanood ko nowadays. Busy na ako masyado sa buhay-buhay. O sige, tapos na ako magkwento. Pag nakaabot ka sa parteng ito, malamang wala ka rin ginagawa. Sige matulog ka nalang. Geh.