As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Wednesday, February 07, 2007

Naholdap si mama.

Amf, bigat, naholdup ang aking nanay sa RFC kahapon ng tanghali amp. Dami kasi lagi laman ng bag non. Dami daw nakuwa - susi ng kotse, checks, 13k cash, celphone, telephone directory (hindi yung yellow pages) at kung ano ano pa.

Buti naman at walang nangyaring masama kay mama. Ang hiling ko ngayon eh sana tubuan ng kuko sa ilong yung mga walang hiyang nagnakaw sa kanya. Bigat kasi eh, tanghaling tapat pa amf. Kaso di natin masisisi si mama, mejo tumatanda na sha at kelangan ngang ilagay sa bag ang lahat lahat para hindi mamisplace.

Ayun, so ibibili ko siya mamaya ng celphone. Kasi need niya yun for communication. Pate yung helper namin nag request ng celphone amf. Bigat lang eh. Talo ko pa may anak eh. Bigat.

Hay, ako pag naholdap di ako magbibigay ng gamit. Makuwa man nila yun, at least, makasuntok man lang ako sa mukha ng isa.

Ikaw! Holdaper, kung binabasa mo to! Sana masunugan kayo ng bahay! Bigat!

Labels: