Sadyang nakakaasar.
Grabe ang annoying talaga ng aking ina. Kanina, ako'y nagpunta sa isang bilihan sa may aming labasan. Nawala ako sa aming tahanan ng humigit kumulang isang oras. Pagbalik ko, tinawag ako ng nanay ko. Lingid sa aking kaalaman, may tumawag daw na kumpanya sa aming tahanan. Ito ay ang Micom Technologies. Isa sa mga pinakaaabang-abangan kong kumpanya sapagkat pag natanggap ako don, makakaalis ako sa bahay na ito. Sinabi ng aking ina sa nakausap niya na wala ako. Pero dapat tapos na dun ang kombersasyon, ngunit nakipagkwentuhan pa si mama dun sa tumawag na sadyang nakakahiya. Kinuwa ang numero at kung ano ano pang detalye. Tapos tumawag ako doon sapagkat sabi ng aking ina na papatwagin niya daw ako. Tinawagan ko at sabi nila tatawagan daw nila ako sa susunod na linggo kasi nagpareskedyul ako.
Sobra na talaga ang aking pagkaasar sa pagiging pakiilamera ng aking ina. Sobra talaga. Sukdulan. Kausapin ba naman yung HR. At mukhang nakipagwentuhan pa. At kanina, habang ako'y namamahinga sa aming sala, di ko naman sinasadyang mapakinggan ang pinaguusapan ng aking ina at ng isa niyang kausap. May narinig akong "Sa ating dalawa lang to ah." Tapos pagtapos nang kanilang usapan, may tinawagan nanaman sha, at inulit niya lang yung sinabi niya sa una nyang tinawagan.
Sa kabilang banda, nakakaasar. Pag natanggap ako dun sa Micom na yun, sa QC na ko titira. Bwahahahaha..