As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Monday, September 08, 2008

Third Eye Fail. OTL.

Pucha, di kami nakanood ng 3EB. Langyang Octoberfest yan, ang daming tao. Kahit yung may mga ticket na, di na nakapasok. Walang kasiste-sistema. 5 pa lang umalis na ako ng office, pero medyo late yung mga kasama ko (mga hayop kayo), kaya nakarating kami dun mga bandang pa 9 na. Tapos ayun nga, ang daming horde ng tao. 

Kaya nagdecide na lang kami na sumama kay Taning (TM din) at ang kanyang mga friends at nakita pa namin si Ilagan. Small world lang eh. Dun kami tumambay sa Metrowalk. Mga 12 nagbalak kaming umuwi kasi si Teban may pasok ata ng 1. Kaso di na rin siya pumasok kaya nagdecide na lang kami tumambay kina Cloz. 

NagDOTA lang kami hanggang 4PM. Oo, 1AM - 4PM. AMP! Nagkatamaran na umuwi kasi medyo naulan-ulan din. Tapos hinintay namin si Aragon at nagpunta kami ng Greenhills. Tumambay lang kami dun sa Promenade at nagpakaloser. Haha. Medyo nandidiri na ako sa sarili ko (siguro si Vargas din) kasi 2 days na yung suot ko. Kahit nakailang ligo na ako kadiri pa rin. Kahit nakaheram ako ng damit, kadiri pa rin! Hahaha. 

Nagbalak na kami umuwi kaso biglang may lightbulb na kumislap at naisipan kong magroad trip sa Tagaytay. HKG is back!  First time ni Aragon at ng Fortuner ni Cloz sa tambayan eh. Haha. Anyway, medyo panget na dun sa tambayan namin kasi hinarangan na so kailangan mo pang tumawid para makaupo dun sa perfect view ng taal. Pagtapos ng tambay, umuwi na kami mga 2 na ata to. Tapos natulog. Binalak ko ng umuwi agad baka magkatamaran na eh, at medyo kadiri na talaga ang aking feeling. Hehehe.

Pagbalik na pagbalik ko ng bahay naligo ako at nagpalit ng damit at dumiretso ulit ng GH kasi may ime-meet ako dun para sa aking munting business. Tapos naghanap na rin ako ng weights. Langya ang mahal. Di na lang. Sa Quiapo na lang ako bibili.

Monday nanaman nakakatamad.