As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Monday, September 17, 2007

Weekend bigatan!

Dearest fans, sa kasalukuyan, ang aking mga braso ay nangangalay na tila ba ako'y nagbasket ball buong araw. Bakit? Basahin niyo ang excerpt ng nakaraang weekend:

Ok, friday, nag-inom, kumain at nag-bideoke kami ng aking mga kaopisina, pagkatapos non, nakauwi na ako ng mga 3 AM. Pagod na pagod ang aking murang katawan, naghihina ang mga bisig at nagsusuka ng dugo at other bodily fluids, well, joke lang, di naman. Pero kuwa niyo na ang ideya, bangag ako.

Nagising siguro ako ng aking usual waking up time, which is 6AM. Ok, so tinapos ko muna yung Stranglehold kasi merong lakad ang aking munting tropahan sa Mapua. Ayon, so napunta kami sa Gerry's Grill at masaya ito mainly libre ni Berna, ang birthday girl. Well, sino ba ang ayaw ng libre?

Ang sunod na itinerary ay ang Birthday bash naman ng isa pang tropa na si Gabs. Ayon, pumunta kami sa kanila, pero onti lang ang nainom ng iba kasi naglaro kami ng Wii! Yan ang dahilan kung bakit masakit ang aking braso. Haha, napaka animated ng aming mga pagpalo at kung ano ano pa. Hahaha. Sarap ng Wii. Gusto ko bumili na nga eh, kaso shempre, hinay hinay na muna sa gastusan. Pagtapos ng Wii-time, nag-super magic sing naman kami, langya, lahat ng kanta binanatan namin. Yung mga pang beerhouse, yung mga senti, rock at kung ano ano pa. Langya, ilang oras din yan, with matching sayawan pa.

Nung naubos na ang battery namin at masakit na masakit na ang aming mga lalamunan, pinagpasyahan naming umuwi na. Mga 6 na ata to. Kaso may balak din kaming pumunta ng Greenhills nung ibang tropa, kaya napagpasyahan naming tumambay muna sa amin para magpahinga at dumiretso sa Greenhills pagkatapos. Nakarating kami ng Greenhills at ginawa ang mga dapat gawin, at nag food trip. Sarap nung sa Fat boy's. Yun nga lang panis na ata yung Pizza. Awts!

Tapos pauwi na kami, biglang may nagaya na tumambay pa ng onti kasi mashado pang maaga. Lols. Ayun, nagpunta kami sa Glorietta para hintayin si Marasigan kaso di niya sinasagot ang phone niya. Ginawa namin, natulog na lang kami sa Parking lot. LOL! Langyang trip yan.

Pag-gising, napagpasyahan namin tumambay sa Sea side sa MOA. Yun nga lang pagdating namin dun, wala na palang Sea side at may ginagawa ng mga gusali don.

Umuwi na ko.

---
Bigat!

Monday na monday eh ang dami nang kamalasan ang aking naranasan. Pagkapasok ko dito sa office, paglogin ko dito sa PC, pag tingin ko sa outlook ko - nakablock. Amf. Required password. Ang problema, nakalimutan ko na, ginawa ko na lahat ng paraan eh wala pa rin.

Ngayon, wala ko ginagawa kasi di ko makita mail ko. Amf, bukas pa daw ito mauunlock kasi na sa ATL ang namamahala.

Ayun, tapos nawala pa ID ko, pero nakita ko na, kaya ok na. Labo amf.

Tapos mejo sumama tiyan ko, wala kasi ako kinain almusal, pero nag kape pa kami ni Marasigan. Ngayon, mejo iba ang swimming ng bulate sa tiyan ko.

Tapos kanina, jumames bond ako sa banyo, sa pagmamadali ko, hindi ko nalinisan ang seat, kasi may talsik talsik ng tubig don, pag alam mo na...

Ayun, pag labas ko ng cubicle (sarado yung 2 natira), nakita ko yung isang Irish dito. (Same na Irish na iniwasan ko kanina nung muntikan ko nang makasalubong kasi lumabas nga ako para magkape)

Sabi niya:

"Carl, you should wipe the seat... it's disgusting."

Well, nakakahiya nga, kaso nagmamadali ako, nasabi ko na lang na:

"Er, sorry, I was in a hurry."

Sabay kuwa ng tisyu, balik sa cubicle para punasan ang mga unwanted liquids sa seat. Ang masaklap pa nito, may mga lumulutang na Ebs dun. Sira pa yung flush. Kaya sabi ko:

"Er, the flush is not working..."

Hehe, sinisira ko ata ang image ko sa blog na to ah, anyway, di ka dapat biased sa mga sinusulat mo. Amf, nakakhiya man, pero ginawa ko eh. Bigat kasi, nagmamadali ako, at masama pa rin pakiramdam ng tiyan ko.


Labels: