As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Thursday, September 13, 2007

All in a days work.

Langya, kahapon ang daming kapalpakan ang nangyari sa aking buhay pag-rerelease. Ngayong umaga, palpak mode pa rin. Anak ng tokwa, paulit ulit na lang ah, di ko pa magawa ng tama.

Speaking of tama, langya, may tama pa rin ako hanggang ngayon. Wala eh, nag-inom kami kagabi, amp, 1 barrel tapos 2 lang kaming tumira. Draft beer. Isa lang ang ibig sabihin niyan - plakda.

Anyway, bakit kaya ang malas ko this past two days?

Hays, ewan, langya talaga, eto uulit nanaman ako. Mejo tinatamad na ko eh.

---

Ayan, after lunch, mejo masama ang aking pakiramdam. Nagkape na kami para maibsan ang tama ng beer ngunit ito ay wala pa rin epekto. Awts. Gusto ko matulog, kaso di ako maka-james bond dito. Ewan ko ba, para akong umiikot na turumpo.

Eto wala naman ako mashadong ginagawa kasi nag-rerelease lang ako. So hintay ko lang to, naka-cross ang mga daliri na sana ito'y hindi mag-fail.

Isip na lang ako ng magandang ikwento sa inyo... hmm... LA EH. Sorry. Hehehe.

Labels: