As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Friday, March 17, 2006

ITS Test.

Today, is my test at ITS International. I woke up uber early for their company is in Libis. I arrived there one hour early. Hehehhe... It only takes one hour of commmuting in the morning. But still - It is so damn, far away. Okay, I roamed around a bit first because I don't want to go there too early. Baka sabihin excited ako masyado. There were a lot of Call center people there. They were like zombies. That's one reason pala kaya bukas yung mall dun. (The mall name - I forgot) Oh, another thing I noticed - Dami chicks. Ahem...

So 30 minutes before the interview, I went upstairs IBM Plaza.There's one weird thing on this IBM building -The entrance is on the left side. OO nga pala, nung paakyat ako, may nakita ako 2 babae n may JAVA books. Tinanong ko sila sabi nila ITS din sila. Siguro yun ung sinasabi nung nag interview sakin na naunang batch na tinuturuan nila ngayon ng JAVA. Anyways... So at first, there were only 2 examinees. Me and this wierd, nerdy fellow. Then after 1 test, 2 normal looking guys followed. Pucha, bilib ako dun kay weird guy eh, pucha, kalahati pa lang kami nung sa Math Exam, tapos na sya. Pati dun sa Logic test. May pagka-alien ata to, or if i knew better, Professor yun. So the test was finished, and Raoul said that he will text later in the afternoon the results of the exams. On my way home, nagkamali nanaman ako ng sakay. So dun ako nakababa sa may... di ko alam yung pangalan... pero atleast, I am in one piece. Nung nasa bus ako, tinext ko si Trachelle, at sabi ko lunch kami (kasi gutom na ko at di na ko aabot ng haus) Pinuntahan ko sya sa office, tapos naglunch ako (nag backout si Trachelle at nanood na lang sakin) tapos ginawan ko siya ng resignation letter.

Then on my way home, I saw my wallet and noticed that was my other ATM was missing. Pucha, pero di ako natakot. KInabahan lang, sa sobrang kaba ko, di na ko lumipat ng upuan (sbrang init sa pwesto ko). Nakauwi ako tapos karipas ako ng takbo sa taas buti na lang nandun. Pag baba ko hiniram ko susi ng kotse at pmunta
ako ng RFC para magdownload ng JDK (java development kit) Tapos nandito ako sa may RFC nagnenet.

Paguwi ko nagtext si Raul, pasado daw ako tapos next week daw ang schedule nung final interview. Pero d parin ako sigurado kung okay ako dun... layo eh. Chaka ang training k daw sa COBOL. Ung batch daw namin eh COBOL. E, javaboy ako eh... X na ang ITS.

Okay, bye.

----

Et nga pala, review review lang ng konting java. Amp, kanina, binuklat ko ung libro kong Introduction to computer Science. hahahah, bagong bago pa... Halatang di binubuksan nung nasa school. Anyways, uwi na nga ako.