As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Monday, October 01, 2007

I've fallen for you! Lols.

Ok, nung sabado, may mga gawain akong ginawa. So, pumunta ako sa Southmall. Ayun, pagtapos ng aking errands, ewan ko kung ano ang naisipan ko at nanood ako nung movie ni Kim at Gerard, yung I've fallen for you. Lols.

Ang kyut talaga ni Kim, wala lang, sarap niya kurutin eh. Hahaha. Ayun, nanood ako magisa ng movie. Ok namans iya, nung una nakasimangot pa ako eh, at di ko alam kung ano ang nakain ko at nanood ako ng magisa non. Lol. Pero nung nagtagal, nakaismayl na ko na parang tanga. Shet, ang baduy ko!

At least nung unang nanood ako ng mga baduy movie na ganito, may kasama ako at nahila lang ako at ngayon wala na ako excuse. So ayan! It's out in the open, pinanood ko yung movie!

Hahahah, lol. Ayun, nung naglaon, nakikitawa na ako sa mga kasama ko. In all fairness, madami ang nanood ah, or madami na ang mga baduy na katulad ko. Lol. Pero di ah, di ako kinikilig, pramis.

Hahaha, basta ang kyut ni Kim, sarap niya kurutin. Kahit nakita at narinig mo na ang storya nito, wala lang, mejo enjoy pa rin. Yak!

Labels: