As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Wednesday, July 04, 2007

Better than IMEEM.

Well, I was scouring the net for an ebook of Catcher in the Rye, then I chance upon this site. It has everything you need! You can download everything from it.

Ahhh, the joy!

Labels:

Vela, ang pinaka-bagong teleserye.

Nagkwentuhan kami ni mama kagabi kasi naki-aircon ako sa kanila. Langya, ang dami palang misteryo ang bumabalot sa pagkatao ng aking mga kamaganak at sa aming mga naging helpers.

Kung mailalagy ito sa primetime, palagay ko magiging malupet itong kapalit ng mga istoryang nagagawa para kina Judy Ann at Claudine. Malupet talaga. Kahit ako, hindi ako fan ng drama na yan, pero nung narining ko, naging excited ako.

Pano kaya kung gawan ko ito ng script? Sa palagay ko magiging patok to sa prime time TV. Kumpleto ang cast eh, may mga contrabida, may mga bida, may mga inaapi, may mga chismosang katulong. The works. Kumpleto sa teleseryeng papamagatan kong:

Pamilya Vela - Ang hatol nang panahon. (sabay aawit si April Boy: "Pami-lyaaa Velaaaaa, ang hatoool ng panahoooon... Oooooh.)

Kaso matanong niyo kung ano papel ko dito? Wala, sa liit ng gagampanan na papel ni Allan, parang extra lang ang labas ko. Siguro ako na lang yung natatawa sa mga pinag-gagagawang katarantaduhan ng mga cast. Wala lang, naoverwhelm lang ako sa lupet ng mga pangyayaring naipamulat sakin ng aking ina.

Basta, istorya to ng mga malulupet na rebelasyon, mga baliw na tao, at mga katulong na may tinatagong napakalaking sikreto na pag nalaman ng buong pamilya, mayuyugyog ang matatag na pundasyon nito.

Pwede rin pala tong pamagatang:

Vela, when normal people turn abnormal. Hahaha.

Basta! Lupet niyan! Grabe! Minsan pala, yung naipapalabas sa mga telenovela eh nagkakatotoo. Wow.

Labels: