As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Saturday, March 25, 2006

Director's Cut.

Pagmulat ng mata,
agad kong naalala,
Kagabi sinabi mo - ayaw mo na,

May mali bang nakita?
May mali bang nagawa?
Bigla na lang naisip mo - ayaw mo na.

Lahat ng gusto mo - tamang sunod ako.
Nagtataka bakit biglang - ayaw mo na.
Binigla mo ng lubusan, nang ako'y iyong iwanan.
Isang iglap naisip mo - ayaw mo na...

Lumingon sandali lang, bago mo tuluyan iwan nais kong...

Sumigaw palabas,
at sasabihin sa iyo ang lahat
Tumakbo palayo at iiwanan na ang alaala mo.

Nanginginig, nalulungkot, nahihibang at tulala

Pagod na yata ang ngiti,
nauubos din ang tuwa,
nag-iisa umiiyak, nahihirapang huminga.
Pagod na yata ang ngiti,
nauubos din ang tuwa
Nanginginig, nalulungkot.

At kung hindi na babalik,

sana sa paggising ko ay
wala na ang nadaramang sakit,
At kung hindi na babalik
ipipilit sa sarili na hindi ako nagkamali.

Friday.

Friday, kelangan ako para sa personality exam and interview sa Fujitsu. Pucha talaga, bago ka talaga makapasok don para kang susuot sa butas ng karayom. Pagkakita ko dun sa personality interview eh napasambit n lang ako ng holy shit, ang haba! Naubos yata ang tinta nung bago kong ballpen na binili sa Ministop. At nakita ko pa si Pacquiao.May opisina na siy sa PSE Siya na pala ang knyang sariling promoter. Ibig sabihin non, 30% nang dapat na binabayad niya sa promoter eh sa kanyang kanya na. Bigtime! Siya na ngayon ang hinahunting para sa mga laban, kasi bigtime fighter na siya. Bat ba sa kanya napunta ang usapan?

Okay, pagkatapos nung personality exam, ininterview na ko. Amp, parang miss universe ang mga tanong. Hehehhe, kulang na lang gown! Hehehehe. Tapos pagtapos non naupo n ko sa tabi. Tapos tinawag ako, nacheckan na yung test at babalik ako sa wednesday para sa isang malupit na panel interview. Fucha, eto ang pinakakinakakabahan ako. Nauutal kasi ako minsan eh. Tapos paguwi ko, tumawag nanaman yung Antico, test daw ako. Ako nahypnotize nanaman at napa-oo.

Kingabihian, naginuman kami. Taragis. Ininom namin eh yung lambanog na 1 year nang nakatabi na may fermented pasas pa. Pucha! Lakas ng tama! Hehehehe, bangag nga ako eh. Tapos natulog na ko! Tapos ngayon, sabado na. Tapos bukas, sigurado yan, Sunday na.