As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Wednesday, June 11, 2008

Shorts: Little thoughts stuck in mind.

5:30 AM.

Naliligo ako sa banyo. May napansin lang akong wierd. Mas malaki ang kanang binti ko kesa sa kaliwa. Yes, people, mas malaki ang kanang binti ko kesa sa kaliwa. Wierd lang eh. Pinagmasdan ko silang mabuti... let's call them, B1 and B2 - for binti 1 and binti 2. Ewan ko kung bakit mas malaki si B1 kesa kay B2. Di naman ako nag pi-piko. Pag naglalakad naman ako pareho ko silang gamit. Bakit kaya?

Meron bang nakapansin ng size ng binti nila? Medyo nababahala na ako eh. Meron akong kaibigan dati, itago na natin sa pangalang Aragon, na minsang nagsabi sakin na mas malaki ang kanang braso niya sa kaliwa. Sabi ko sa sarili, plausible yun sapagkat depende sa sitwasyon, I mean, depenede kung kaliwete ka or otherwise, mas lalakas yung gamit mo sa isang braso kesa sa isa... lalo na pag lalake ka... if you get my drift.

Anyway, ang wierd talaga. Sige, maliligo ulit ako at titingnan ko ulit siya mamaya. Baka antok lang yun kaya nagkaganun ang tingin ko.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home