Fever weekend.
Ewan ko lang ah. Siguro yung last na nagkalagnat ako eh, siguro elementary pa. Grabe, yung sabado bigla nalang naginit ang aking katawan! Grabehan sa lagnat. Kasi pag natutulog ako ng lagpas 5 hours, nahihilo ako. Eh nakatulog ako ng sobra nung sabado ng hapon, pagising ko hilo hilo na ko tapos nagkalagnat pa. Kala ni mama dengue daw. Pero nung tinorniquet test ako ni Kuya Marlon (pinsan kong doctor), wala naman.
Sabi nia, mashado pa daw maaga. Sabi nila absent daw muna ako. Pero di pwede kasi may code review pa ko ngayon. Tapos di na ko nakapagalmusal kasi ang alat nung ulam. Ginawa ko nag BM na lang ako tapos tumambay sa ministop para bumili ng c2. At uminom ng gamot. Tae, bigla ba naman may pumasok na lamok dun sa C2 ko. tae. Liit liit ng butas nun napasukan pa ng lamok. So, bili ulit ako ng c2.
Malas. Tapos pagpasok ko office, grabehan. Nagmail nanaman si pareng peter at nakita ko ang mga pnapagawa niang bago. GRABE! Sabi nga pala ni Sir Don, baka maregular na ko sa AerLingus. Ewan ko lang ah? Baka joke time. Kaya daw siguro ang daming binibigay sakin na gawain.
Labels: Updates
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home