Isa kang tinik sa aking tagilran!
Pinagiinitan ako ni (itago na lang natin siya sa pangalang) pareng S. Lagi na lang niyang minamata ang gawa ng mga Pilipinong katulad ko! Hehe, biro lang. Pero palagi na lang eh. Katulad kanina - nagkaroon ng power failure sa lupain nila nung weekend, at nung bumalik ang enerhiya, nagrestart ang kanilang mga kompyuter. Ngayon, pag dating ko dito sa opisina para i-tsek ang kanilang kompyuter, naka-prompt na ito sa "need user name and password" screen.
Sa kadahilanan na hindi ko alam kung ano ang hinihingi na ito, gumawa ako ng elektronik-liham sa kanila na nagtatanong kung ano ang kailangan kong i-supply na "user name" at "password". Ang sulat ko ay ganito:
Cruisecontrol has been restarted, do you know the username/password for it?
Ngayon, sa tingin ni pareng S, nirestart ko ang makina. Sa kanya, wala daw ako magandang dahilan para irestart ang makina sapagkat, walang mangyayari. Nilagay niya sa kanyang elektronik-liham na sa susunod daw, wag ko na irestart. Sa tingin ng aking ka-grupo na si (itago na lang natin siya sa pangalang) mareng M, ang liham ko ay nagsasaad na nagrestart ng kusa ang makina kaya ko tinatanong ang "username/password" nito.
Ako ay lubos na nasaktan sa liham niyang iyon. Sapagkat sa tingin niya, porket tayo ay pinoy ay pwede niya tayong maliitin ng ganyan. Lalo na ako, sapagkat ako ay isang batang naligaw ng landas at nasama sa grupo ng mga establisadong (established) mga debeloper. May ilang tagpo na rin na ganito ang tema - pangmamata. Meron ding senaryo na habang nag-mimiting kami ay nagtawanan bigla ang aming grupo dito sa Maynila. Nasaktan siya nun at sinabi na hindi nakakatuwa ang pagtawa namin ng ganun.
Dito marahil nagsimula ang kanyang mapangmatang gawain.
Buti na lamang ay niligtas ako ng kanyang kababayan na si (itago na lang natin sa pangalang) pareng B. Ang sabi niya ay:
I know some other machines in DUB were restarted over the weekend form a suspected power break so I expect that's what happened here also.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga tagpong iyon. Magagalak ba ako, o malulungkot. Buti na lamang nasabi niya yun at humingi ng tawad si pareng S. Ilang beses na rin ako naliligtas mula sa mapangaping pamamalakad sa aming grupo!
Tangina nakakabadtrip talaga!!!!
Racism Sukks!
Mabuhay ang Pilipinas!
Aryah!!!
Labels: Updates
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home