Eeeew! Eek! (Say in a high-pitched girly voice)
Taena, nabunggo ung pinsan kong doktor sa may RFC. Ngayon, nawalan sya ng malay at dinala siya sa Perpetual nung jeep na kasabay nung naka hit and run sa knya.. Tapos, ang malupet dun, tumayo siya sa kinakahigaan niya at UMUWI sa amin! Amp!
So, ang daming dugo na, kadiri dito eh, parang may crime scene. Eh yung maid nila uncle, witness yun sa Visconde massacre so traumatized sha sa dugo. Kaya di nililinis dun sa kabila. Ambaho dun, ang lansa.
So, pinapapunta nila mama ung pinsan ko sa Ospital para magamot. Ngayon, tong amp na pinsan ko, iniinsist na sha na lang ang gumamot sa sarili niya. Amp! Balak niyang tahiin yung sarili niya sa ulo amputa. Ano un!? Come on! BAdtrip na nga si kuya, napapasigaw na, eh mainitin pa naman ulo non. Tapos eto pang sambayanan ng mga chismosa dito sa amin, pinagppyestahan ang latest chismis.
Pucha talaga. Eto kasing pinsan ko eh, ano ba meron dito. Hoy pumunta ka na ng ospital! SI mama naman, kinukunisnteng tahiin ung ulo niya! Amp! All hell breaks lose talaga dito. Pucha parang may crime scene! :(
Sana maging okay na lang si Kuya.
Kinabukasan bumaba ako at dun ako nahiga sa couch namin sa sala. Yung helper sa kabila rumaratrat pa rin ng bibig. Pucha, walang kapaguran eh. Kung ano ano na sinasabi ang bilis parang nakapasporward ang boses. Siguro kung bigyan mo ng chance magsalita yung for a day straight, di mapapagod un.
Ayun, ok nanaman si kuya. Si mama naman tinawagan na si uncle para makausap na si kuya magpadala sa ospital. Taposna rin niya tahiin yung sarili niya. Ewan. Labo ng mga tao. Kadiri talaga ang dugo lalo na yung mejo natutuyo na... eew. Eek! Naaalala ko tuloy ang aking mga duguan moments! Eek!
Tingnan niyo na nga na alng muna to. Geh, magsisimba pa ko! Happy easter! Learn to forgive the people who did wrong things to you, for people you did wrong things to already forgave you. Gets? Open your heart!
http://www.scribd.com/doc/5107/They-didnt-study
Labels: Updates
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home