As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Thursday, March 29, 2007

Wag ka kumuwa ng bato na ipupukpok sa ulo mo!

Well, that was the advice of a friend to me way back. And that's what I said to a friend who is, for lack of better word, and let's put it in tagalog - NAGPAPAKATANGA. I can only sigh for what that friend is doing to hself (let's put identity to anonymity).

Apparently, that friend likes a certain person (wow, anonymity is hard. can't find perfect nouns for it.), and this person has a significant other.

Pause. Tagalugin na lang natin. Para wala mashadong pronouns ang gagamitin.

Ok, ganito yan. Yung kaibigan ko, may nagugustuhan siya na tao na meron nang kasintahan. So, gets mo na yung idea? Ayun, meron na siyang kasintahan at kakabreak pa lang nung kaibigan ko sa kaniyang kasintahan na pakiwari niya ay hindi siya minahal (awts, sakin niyan). So ang ginawa nitong kaibigan ko ay napakadami para makalimutan ang walang hiya niyang ex-kasintahan. Ang dami niyang ginagawa na hindi ko na ilalathala dito sapagkat masyado itong karumaldumal.

Ngayon, ang ginagawa niya ay nagpapakatanga (As always) dito sa tao na ito. Kinakalimutan nitong kaibigan kong to ang mga tunay na kaibigan niya, pati na rin ata ang trabaho. Tapos kahit ilang ulit mong sabihan, wala pa rin. Tapos pag nasaktan nanaman, lalapit lapit nanaman sayo at mag e-emo. Pak! Bigat lang eh!

Eto ang aking advice sa mga sawimpuso:

Wag kayo maghahanap ng isang bagong object of affection na alam mo naman na panandalian lang. Mahirap ang pagaralan na mahalin ang isang tao, lalo na kung ang tao na ito ay talagang sinasabi na mahal ka niya. Siguro, habang maaga pa lang, magising ka na sa katotohanan na kahit kelan di mo mapapalitan agad yung tao na minahal mo talaga.

Sa huli, hindi lang siya ang masasaktan mo kundi ang sarili mo. May tao na pinipilit mong mahalin pero ang puso mo, nakakadena sa iba. Ginagamit mo ang isang tao, na wala namang ginawa sayo kundi nagkasala na magustuhan ka, para makamove on. Bad cheetah.

Kaya mo magmove on magisa. Magparaya ka. Ilet go mo yung tao na minahal mo. Kasi letting go means you loved best. Dun mo mapapatunayan na mahal mo talaga siya. Sa una, di mo kakayanin yan. Masakit na masakit. Lalo na kung pers mo to. Iiyak ka gabi gabi sa loob ng ilang buwan. Pero sa dulo, malalaman mo na masaya na siya, masaya siya na wala ka. Siguro naaalala ka niya paminsan minsan, pero hanggang dun na lang yun. Ala-ala. Yung mga nakaraan, wala na yun, yung mga dates niyo, mga kulitan, mga biruan, nasa isang chapter na lamang yun ng buhay mo. Ngayon next chapter na, mas maganda to. Lahat naman nagtatapos sa happy ending eh. Tingnan mo yung mga telenovela, kahit nilulubog na sila sa ebs ng grashopper, bumabangon pa rin at nakikipaglaban para makuwa ang happyending.

Kung dumating ang panahon na bumalik siya, at mahal mo pa rin siya (kahit ilang beses mo sabihin sa sarili mo na hindi na), sige, mas mature ka na ngayon at siguradong maaayos niyo ang alitan niyo. Pero kung wala na talaga, sana naman pag nagkita kayo ulit ngitian mo man lang. Naging parte siya ng buhay mo at di mo pwede alisin ang isang chapter sa libro ng buhay mo kasi hindi mageenjoy ang mga readers. Labo.

For the mean time, abalahin mo sarili mo. Sa trabaho, sa pamilya, or magbusiness ka (tulad ko). Pero wag na wag sa ibang tao na gusto mo pero di mo mahal. Hintayin mo muna mawala ang nararamdaman mo sa iba. Kasi di ka lang nagkakasala sa tao na yon, kundi kay God pa. Mahirap magsinungaling. Di ka sasaya. Ang napakahalagang natutunan ko sa past relationships ko eh di ka sasaya kung di ka 1) HONEST at 2) HUMBLE. Kala mo sasaya ka pag nagsinungaling ka - Deyns! Kala mo sasaya ka kung mapride ka - Deyns!

Ngayon, hinihintay ko na lang tong kaibigan ko na magising. Kaya niya naman magmove on na hindi ginagawa yung mga ginagawa niyang karumaldumal na kabalastugan na nakakadiri eh. Eew! Ayaw ko na mention kasi against talaga ako dun. Magigising din yan. Isip bata din kasi yun since nung mga bata pa kami. Hahhaha.. labo.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home