Wednesday bigatan
Shef, ampanget nung simula ng araw na to. Bigat talaga eh. So usual morning routine - Kumain ako, naligo ako tapos umalis na ko, ay nagbihis pala muna ako shempre. Tapos nakasakay na ko ng bus sa may amin na walang laman, which is rare especially wednesday ngayon at Baclaran day.
Tapos nung mejo nakaandar na ng bahagya yung bus, shempre mangongolekta na ung kundoktor, ako binuksan ko na yung bag ko para dumukot ng pera para pambayad. Shef! Wala pala akong dalang pera. Bigat lang eh. So, karipas agad ako palabas ng super luwag na bus na rare lang dumating.
Sumakay ulit ako ng tricycle pauwi samin. Tapos yung mejo malapit na samin, napansin ko na naghihingalo na yung tricycle. Waaah, mamamatayan pa ata. Eh ang init na at ayaw ko maglakad. Shef. Namatayan nga. Pero after ilang minutes, napaandar niya na muli ito. Pagbaba ko samin, nakaabang na ang mga mapanghusgang mata ng mga chismosa na binubuo ng mga helpers at mga nanay ng subdivision namin. Sabay tanong nila - "O, bakit ka bumalik?" - Ganito ang scenario sa may amin pag may bababang tao mula sa isang tricycle. Lahat sila nakamasid at inaabangan ang bawat galaw mo, mula sa pagkuwa mo ng pera sa iyong wallet, hanggang makapasok ka na ng tahanan mo.
Hindi na lang ako umimik at umakyat ako ng kwarto ko. Napansin ko na lamang na wala yung tinabi kong 100pesos dun sa aking tukador. Biglang nilagay ko ang kamay ko sa bulsa ng pantalon ako at linshak na yan, andun pala yung 100 pesos ko. Bigat! So ginawa ko, kinuwa ko na lang talaga yung wallet ko na may pera na hanggang friday at bumaba ako. Shef, pawisan na ko.
Ayun, nakasakay naman ako sa isa pang rare na maluwag na bus pero bago yon, namatayan ulit si pareng tricycle. Grabe, ang aga nagkabigatan na agad.
Bigat mo Allan.
Labels: Rants
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home