Nang nag ala Ryoga nanaman si Allan.
Eto ah, time and time again, nag aala Ryoga ako. (Bat ganun, may grammar check ang blogger pag nasa bahay ako, pero pag sa office wala?) Kilala niyo ba yun? Well, siya yung character sa Ranma 1/2 na palaging naliligaw. Kahit sa sarili niyang bahay na pupunta lang sa CR naliligaw pa siya.
Ganito kasi ang scenario kanina - well, ibabalik ko kayo sa pinaka puno ng storya. So 6:30 pm, shempre, simba mode nanaman si Allan sa Greenbelt, kasi yung simba ko nung sunday kalahati lang kasi ang aga nung dating ko para sa 7pm mass, tapos tinamad na ko hintayin pa to so yung pang 6:30 na lang yung inattendan ko. (Parang napalayo na ah) Ok, so yun nga, nag simba ako, para sabihin yung gospel ito ay tungkol sa power ng prayers. (Na off topic nnman ako) Anyways, nung nasa simbahan ako, nakatanggap ako ng text mula kay Ventura, ang aking co-pingpong addict at co-pamorningan member. Ayon sa text niya, bumalik daw ako ng office, ping pong daw. Tapos pagkita ko sa simbahan, nandun din pala ang aking isa pang co-pingpong addict at co-pamorningan member, na si ate Rosario. Di ko na sha tinawag pa kasi hassle ang daming tao.
Ok. So, naglakad ako pabalik nang office. Mga good 20 minutes lakad to from Greenbelt. Pagdating ko dun, naglalaro na sila. So, nakapaglaro din ako hanggang mga quarter to 10 siguro. Tapos nanalo kami ng pustahan. Ang premyo - Softdrinks na mula sa Vendo sa pantry namin. Sabi ko na nga ba eh, pwede pagkakitaan ang aking "talent" sa pingpong. Lols. Anyways, so ayun na nga, nung nanalo na ko ng coke, bumaba na kami. Tapos umuwi na. Yung sinakyan ko pala na bus hanggang buendia lang hindi sa Baclaran. So, bumaba ako sa World trade sa buendia. Tapos bumili ng candy (hindi na bubble gang kasi masusunog nanaman ang labi ko na sa kasalukuyan ay nag rerecuperate pa lamang)
Pag bili ko ng candy nagabang na ko nung bus. Mga pipteen minutes na ko naghihintay pero wala pa rin si pareng bus. So naglakad ako papuntang Baclaran. Yun pala, yung tinutungtungan kong platform walang babaan! Lols, so dirediretso ako hanggang bandang baclaran pero walang babaan, meron pala, pero pag bumaba ako dun, highway na at siguradong deads ako dahil sa mata ng mga pinoy na driver, para akong pusang may bag. So, harurot yun mga yun.
Napatawa na lang ako sa sarili kong kabigatan at tama talaga ang aking mga prends - ako talaga si Ryoga. Taena, ang bigat ko talaga sa mga directions. So ang ginawa ko, pumara ako ng bus, at tumabi to, so nablock niya yung mga rumaragasang bus na mistulang tubig. Nakasakay ako at safe naman ako.
Tulog na nga ako.
Poem 303
Bigat, bigat, ubod ka ng bigat.
Bakit kaya ikaw hindi kumagat?
ang bigat mo talaga pareng allan,
sana masunog ka sa kalan?
Tae mag popoem ka na lang palpak pa,
gusto mo bang ipakain kita sa oompaloompa?
Bigat mo kasi eh, sa naliligaw ka pa,
eh lagi kang nasa Makati diba?
Matapos ko na nga tong tulang ito,
nang ano pa ang masabi ko sa iyo,
tandaan mo lang na ang bigat bigat mo,
para kang bilog na turumpo?
Ha?
Bigat, bigat, ubod ka ng bigat.
Bakit kaya ikaw hindi kumagat?
ang bigat mo talaga pareng allan,
sana masunog ka sa kalan?
Tae mag popoem ka na lang palpak pa,
gusto mo bang ipakain kita sa oompaloompa?
Bigat mo kasi eh, sa naliligaw ka pa,
eh lagi kang nasa Makati diba?
Matapos ko na nga tong tulang ito,
nang ano pa ang masabi ko sa iyo,
tandaan mo lang na ang bigat bigat mo,
para kang bilog na turumpo?
Ha?
Labels: Updates
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home