As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Monday, February 05, 2007

Updates lang.

Allan, ako ang iyong tunay na ama...


Hello, wala lang. Updates lang on my so-called life. Nung friday, sa dahilan na tinatamad pa ko umuwi ng bahay, (kasi weekends nanaman, kaboringan galore nanaman) kaya sumama ako sa mga opismeyts ko mag videoke. Pers time ko dun eh, pero alam ko pala yung lugar kasi malapit yun sa Heckle and Jeckle bar.

Eniweys, yun nga, so sa videokehan, kumakanta kami, hirap pumili ng kanta at sorang lamig pa dun amf. May jacket na ko at lahat, pero ako pa rin ang pinaka mukhang nilalamig dun. Ayon, naka 3 - 4 songs lang ata ako, kasi hiya ako eh. Di ako sanay kumanta sa may ilaw (at hindi lasing). Lols. So ayun, ang mahal pala dun sa Platinum kasi naka 200 ako. Hahaha... kung nagrent sana kami ng machine, 1000 lang. Buong araw pa. Lols. Kaenjoy naman. At least, kahit 1 hour + lang ang nilagi namin dun, nakapagpalipas naman ng oras, which is my ultimate goal.

Oh, so, ayun na nga. Mga bandang 12, nagkabigatan na at nagkayayaan nang umuwi. Pero biglang nagkabigatan lalo nung nagyaya ung isa sa amin, di ko na matandaan kugn sino, na mag baywalk. So, solve na ko dun, ibig sabihin non, mas tatagal pa ang lakad. Dun kina Rio, (malapit dun sa may lugar na dating lagi kong pinupuntahan sa may SM Manila), naglakad kami papuntang Baywalk. So, that is good for 1 hour and 30 minutes (or more) na lakaran. Hahaha. Pag dating sa Baywalk, gusto ko sanang mag videoke pa. Haha.. kasi, supressed ang aking vocal talents dun sa platinum, lols. Hehe, joke. Anyways, ang bigat ko daw at di ako pinagbigyan mag kakakanta don.

Ang nangyari eh ang kape na lang kami sa... shet, nakalimutan ko ung name. Ok, so nagkape nga kami dun sa unknown coffee shop. Mas masarap sha sa Starbs pero magkasing mahal lang sila. Haha. Ok, so habang tumatambay kami dun sa unknown coffee shop, may lumapit samin na fraud na manghuhula na malupet daw sha kasi nagaral daw sha ng panghuhula sa Hogwarts school of witchcraft and wizardry. Uu, un ang sabi niya. Eh, fan kami ng Harry Potter, so we obliged na magpahula. Haha... ang plano, ako lang, tapos tig-bebente kami para mabuo ang 100. Eh, nagkabigatan at nagkainggitan, kaya nagpahula din silang lahat. Amf. Pwere lang pala si Lyka, na sa pakiwari ko ay ayaw ng talinhaga ng panghuhula.

Ok, so, balik muna tayo sa hula k. Shempre, sabi ni Madam... Ema Chan ata, maganda daw ang pytuyur ko, lols. Shempre un ang sinasabi ng mga manghuhula. Shempre, sakay ako. Hahaha... kasi fan nga ako ng Harry Potter. Ok, bali nagkakahulaan na ng maliwanang kong future. Magkakaroon daw ako ng magandang hinaharap, maraming pera, acting career, politics (dito naniwala ako kasi balak ko talaga mag pulitiko), tapos magkakaroon daw ako ng apat na 747 Boeing na may missile. Napa wow ako at biglang binasa niya ang libro niya na ang laman ay puro talisman ng kaalaman tungkol sa aking Zodiac Animal na Ox. Ox na ox daw ang future ko kasi Ox ako. Lols. Magkakaroon daw ako ng 2 anak. (at mukhang nachambahan niya ako kasi ang gusto ko ngang bilang ng anak ay 2) Magpapakasal daw ako 3 years from now. Bahahah...


Ok, so guys, to explain lang sainyo. Ang panghuhula ay base sa imahinasyon ng manghuhula, sa kaso natin, si Ms Ema Chan na kapatid daw ni Jose Mari Chan na kumanta ng whenever I see boys and girls hanging lanterns on the street, at ito ay base sa Probability na ang sagot mo ay aakma sa mga kabalastugan na sinasabi nang manghuhula. So, pag sinabi ko sayo na huhulaan kita at tinanong kita na... May kapatid ka bang lalake? Malamang sa malamang, meron, at pwedeng 50% chance na totoo yun. Pero kung sa masagwang pagkakataon na wala kang kapatid, ay malas na lang ng manghuhula. Pero ganun un, inaakma lang ito sa mga probabilidad na pwede mangyari un.

At pansinin natin na ang hula ay palaging positibo ang lumalabas. Dahilan ito na ang mga tao ay gusto lamang makarining ng mga + bagay tungkol sa buhay. Tulad nung akin, magkakaroon daw ako ng 747 Boeing. Sumakay ako na masaya ako dahil magkakaroon ako ng eroplano. Kaya nagtanong ako ng kung ano anong kabalbalan. Pinapaniwala tayo ng manghuhula na + ang lalabas sa buhay natin kaya tayo nageenjoy sa panghuhula. Hinuli ko si madam Ema nung sinasabi niya na na magiging maganda ang trabaho ko, takbo nito that is. Sinabi ko, studyante pa lang ako, sabi niya, ay este, skul mo. Lols. At kung gusto daw namin ng mga pampaswerteng agimat, meron din daw siya, kasi daw tropa sila ni Ramon Revilla Sr. alias Elias Paniki.

So ayun, nagpahula si Ms. Rio, Ms. Jen, at Ms. Tess kay Mrs Ema chan. Pag tapos nun nagkayayaan sa baybay ng Manila bay (umuwi na si ventura kasi daw magtitimpla daw sha ng kape - ewan ko kung nagjojoke to) na muntik na kaming maholdap. Kahit nagaral ako ng karate, kung fu, wushu, at taekwondo at black degree na ako sa mga ito. Ako ay iisa lamang at di ako si Lito Lapid na kaya talunin ang lahat ng kalaban niya sa pamamagitan ng baril na itim at tatalon ng water falls, kaya ako'y maingat na nagmamasid. Meron don security guard na pinapalayo kami sa dilim para madali kaming maholdup nung tinuro niyang 2 holdupper. Hahhaa.. So, ayon sa aking analytical mind, kasabwat si manong guard. Kaya niyaya ko na silang lumayo dun para ang maholdap ay ung dalawang magsing irog na naghahalikan dun sa dilim.

Ok, pumunta kami dun sa Bay walk ulit. At inabangan ang pagsikat ng araw sa likod namin. Lols. Basta fast forward tayo ng onti, nakauwi na ko ng bahay, at natulog. Nagising ako ng 1 pm at pumunta ng Puerto Galera. Ha?

---

Kaninang umaga, tiningnan ko ugn flash movies ko na ginawa. Haha. Inuplod ko sila sa Geocities pero walang kwenta ang geocities di mapalabas to. So kng gs2 niyo makita, mail niyo na lang ako, or commentan. Send ko sainyo. LOLS.

--
Kanina ring umaga sa bus, sa sobrang lamig, merong steam na lumalabas sa bibig ko. Pramis, no stir. Yung napapanood natin sa TV? Ganun. Lamig.



Labels:

2 Comments:

Blogger bart ventura said...

totoo yung sa kape sira, di pa tayo close kaya di ko nakukwento sayo to, hahaha..And btw, hindi po Ema Chan, Elsa Chan! Bigat! wala kang kwentang blogger.

1:38 AM

 
Blogger karuru said...

Bigat!

9:43 AM

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home