As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Saturday, February 04, 2006

Condolence.

Kaninang 6 am, nagtatawanan kami ng mga kaibigan ko. Lingid sa aming kaalaman, may nangyayari na palang trahedya sa may ULTRA. Anibersaryo ngayon ng TV show na Wowowee at dahil sa sobrang kahirapan at sa kasabikan na manood ng libo libo nating mga kababayan, sila'y sumugod dun na galing pa sa mga malalayong lugar, nananalangin na maambunan ng konting grasya para may ipang kain sila kinagibahan.

Ngunit, hindi saya ang nadatnan nila doon, kundi isang trahedya. Nagkaroon ng stampede o kaguluhan sa mga papasok ng gate. Dahil sa panunulak ng mga ilang tarantadong gago doon, natumba ang harang na bakal at nabagsakan ang mga ibang taong naipit sa pila. Meron pa daw mga gagong putangina na nagsisigaw ng "bomba! bomba!" at dahil doon lalong nagkaroon ng kaguluhan. May isa pang kwento na yung bata, kinuwa sa kanyang lola at di na naibalik. Yun ang laman ng mga balita ngayon at higit animnapu ang namatay at daan daan ang nasugatan sa nasabing stampede.

Kung hindi ba naman bobong tanga yung mga tarantado dun at di sila nag tutulakan sapagkat makakapasok naman sila doon, wala sanang trahedyang naganap. Kung sumunod na lang sila sa mga bouncer dun at matahimik na pumila at naghintay nang pagkakataon, wala sanang mga nawawalang mga bata ngayon. Disiplina lang naman ang kailangan, yan ang kulang sa 'ting mga pinoy - disiplina. At kung sana di sila desperado dahil sila'y walang pera, di sana sila nagkakaganito. Sa huli, itinuturo ko pa rin ang aking sisi sa mga tao sa gobyerno. Kung tayo ba ay nagkakaisa, walang mga taong nagugutom at kung wala sanang nagtuturuan, mas mapapadali natin ang pagasikaso ng mga trahedyang tulad nito.

Tangina nyang network wars na yan. Imbis na makisimpatiya dahil sa trahedya, tinuturo pa. Walang may gusto nito mga hayop kayo, at walang baliw ang maghahangad na mangyari ang ganitong trahedya para sa ikakataas ng ratings. Kung may pera lang ako mag tatayo ako ng Channel 1 at bibilihin ko lahat nang talents niyo para parepareho kayo mawalan ng palabas. Pero bata lamang ako, ang magagawa ko lamang ay ilabas ang aking saloobin sa munting pahina na ito sa aking blog at sabihin ang aking hinanakit tungkol sa bulok nating sistema. Oo nga at tumaas ang piso, at ito ang pinakamataas sa loob ng 3 taon, pero may mga tarantadong garapal na mas gusto pa rin mataas ang dollar para daw mas mataas ang naipapadala ng asawa nilang nasa ibang bansa.

Hindi ba kayo natutuwa at unti unti tayong nakakabangon? Hindi niyo ba alam na ang apo ng anak ng apo niyo eh may utang pa rin? Hindi niyo ba alam na pinaplano niyo pa lang si junior, lubog na sa utang yan? Pera ang puno't dulo ng lahat. Pera kung bakit may giyera at kung bakit nagkaroon ng stampede diyan sa ULTRA. Kung may pera sana sila, hindi sila nanood ng wowowee kasi mas okay talaga ang Eat Bulaga. Kung may pera sana sila, hindi sila pumila nang kahabahaba papunta sa kamatayan nila.

This world is f'n sick!

Nabuhay ka para magbayad ng utang ng mga tarantadong garapal na kurakot. Ang tatay mo, negro na sa saudi at di mo na makilala dahil mestiso dati, pero tingnan mo ngayon, nagpapakamatay para may makain ka lang sa mesa mo na gawa sa china, samantalang pwede ka naman bumili sa cavite ng gawang pinoy pero ayaw mo kasi di ka class at sosi pag gawang pinoy ang gamit mo sa bahay.

Putanginangshit talaga. Pera, pera, pera. May mga taong nagiiba ang ugali dahil sa pera. Puro na lang pera. Bakit ba kasi pumunta pa ang Tsina dito sa Pilipinas noong panahon bago pa kay Lapu Lapu? Okay sana kung ang tuition ngayon ay 50 sako ng bigas para sa isang semester. Pero hindi, kelangan natin ng pera.

Sana po ay ipagdasal na lang natin na maayos ang gulo na to. Pagdasal natin ang kaluluwa ng mga namatay sa trahedya sa ULTRA. Sana po, magsimula tayo sa mga sarili natin. Pagunladin ang kaluluwa at ang sarili, para sa kalaunan, ang bayan natin ang makikinabang. Anak tayo ng diyos, pangalawa, tayo ay pilipino, sino sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo tayo din.

Simulan mo muna sa sarili mo bago ka magsulat nang ganito tulad ko. Sabi nga sa bibliya, gawin mo ang lahat para kay God at gagawin niya ang lahat para sayo. Tulungan mo ang sarili mo, at sa huli ang diyos na ang tutulong sayo.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home