Too much coffee.
I think i may have some kind of coffee overdose that makes my heart rate so erratic this past two days. I feel nervous for hours. Like something bad will happen. I don't know, but i think it may be a start of something bad.
Maybe i need more sleep don't you think?
Edited: From my other blog, i got these past compositions, wala lang... pag lakas talaga ng trip ko kung ano ano nasusulat ko. bwahahaha...
-----------
She is like a shooting star that lighted up
my whole sky and for a moment nothing else mattered...
She is like an endless dream, running hopelessly nowhere...
She burns and in her radiance i melt..
while She silently weeps, my heart shatters...
and she...
She is my everything
and such a brilliant star you are...
-----------
Here was my poem about my most loved thing in the world - my hair.
kay tagal na nating nagsasamasa lahat ng hirap katabi kita...
tuwing gabi ikaw ang hinihimas oh
talagang kay sakit ikay mawawala...
sana malaman mo na bawat oras na tayo'y magkasama ay walang katumbas kundi ligaya
oh, pag naliligo ako ang saya sayakasi nanonood ka...
o talagang napakaligaya ko tuwing tayo'y magkasamasa
lahat ng puntahan ko laging nandyan ka
siguro lahat ng tao ay nagtataka
kung sino ka at bakit mahal na mahal kita?
oh, aking buhok, ika'y aking pakikilala sa
buong mundo nagtatanong at nagtatakasa gabi
ikaw ang aking talaat pareho nating pinagtatawanan si krystala
o aking buhok ilang buwan din kitang pinahaba
mula noong ika'y maliit pa ika'y aking inaruga
inaway ko ang lahat ng barberong umaalipusta
gusto gumupit sayo o aking sinta...
aking tatapusin ang munting tula
at itutuloy ko ang aking pagtulala
sa mga tala baka nandoon ka
oh aking buhok mahal na mahal kita...
---------
Eto laughtrip, nung nawala wallet ko.
napadaan nanaman ako sa kanto...
tinatanggal ang aking kuto,
napatingin ako sa isang ale,
at siya'y may dinukot sa kanyang kilekile...
ito ang bagay na lagi nating kasama,
mula paggising, hanggang paghiga sa kama,
ito'y makinis, minsan nama'y magaspang...
lahat meron nito, kahit mga aswang.
marahil alam mo na ang aking tinutukoy,
mahuhulaan ito kahit ng isang syokoy...
tama, un ay isang pitaka.ako ay nagulat,
ikaw ba ay nagtataka?namimiss nanaman kita,
oh aking pitaka.mula pagkabata, ika'y akin nang kasama...
mula umaga, hanggang mag gabi na...
nasa bulsa ka sa pwet ko, masayang masaya...
naalala mo pa ba, nung unang nilagyan kita ng pera?
ngumiti ka bigla, lagi kang masaya pag mataba.
pero kahit wala akong pera,
at ikay payatot...
masaya ka parin, para kang kakatapos umutot...
kahit sa pagligo, dala dala kita,
pakeelam ba nila, baka ika'y mawala...
ni kelan man di kita inalis sa pisngi nang pwet ko,
pwede mo na ring sabihin, na ika'y bahagi nito...
oh, di ko aakalain, na ito ay mangyayari...
di ito tinadhana, sinabi ko sa aking sarili...
umaasa pa rin ako, na ika'y muling isasaole...
ngunit pilipinas to, asa pa ko, para akong tange.
ngayon, pag ako'y bumibili...
kinakapa ko pwet ko kala ko ikay naroon...
iniisip ko kung sino na ang kasama mo doon?
sana madapa siya at matanggal ang kili kili...
madaming ala ala ang nakapaloob sa iyong bulsa,mga sulat, mga litrato ng kaibigan at ng aking sinisinta...
nababahala ako,
baka itoy gamitin sa masamang balakin...
baka dalhin ito kung saan, at sila ay kulamin...
naluluha ako, pag nakakakita ng mga tao...
dala nila ang kanilang mga pitaka, malapit sa kanilang puso.
gusto kong halagubin ang buong mundo...
tugisin ang kumuwa sayo,
siyay napaka tuso...gusto kong ahitin ang kanyang tenga...
tanggaling ang kanyang ngipin, at pakainin ng bumbilya
...sisipsipin ko ang kaniyang mata...ngunguyain, at idudura ang mga natira...
pagkatapos non, tutusukin ko ang kanyang kilikili...
hihilahin ang kanyang buhok at ipapakain ko siya sa paniki.
pag siya ay nabuhay pa, papaikutin ko ang kanyang ulo..
.hanggang matigok siya, at ako ay bibili ng taho.
lahat ng iyon, ay gagawin ko aking pitaka...
kahit anong sabihin mo, kahit manghuli ng palaka...
kakain ako ng apoy, tutulay sa alambre...
muli ka lang makita aking kumpadre.
marahil, iniisip mo ako'y napapraning...
totoo ang sinasabi ko, di ako sinungaling...
ika'y mananatili sa aking ala ala...
magigising na lang ako tuwing umaga, na palaging tulala...
o, sya, sya... ako na ay magpapaalam...
bababa ako at magluluto pa ng ulam...
maiiyak nanaman ako, kasi ika'y magugunita...
wag ka magalala, balang araw ika'y aking ippinta
.wakas...nyahahahah, pasensha na praning nanaman ako
Madami pa yan eh, di ko lang mahanap..
Hahaha, binasa ko past posts ko sa tabulas ko... wala lang nakuwa ko to. Di ko matandaan to, ano ba to poem? Tagal na pala nun, grabe... hehehehe...
www.tabulas.com/~karuru
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home