Household scenario number 21.
Paalis ng bahay si Juan papunta ng opisina. Ang nanay ay nag luluto ng almusal at ang tatay ay nanonood ng TV.
Pagbaba na pagbaba ni Juan galing kwarto.
Nanay: "Pa, yung bayad dun sa [insert bayarin here]. Maho-hold yung kumisyon ko pag hindi nabayaran yun."
Tatay: "Juan, yung [insert bayarin here], kailangan na..."
Juan: "Sige, kaso kulang eh, dami ko ding gastos ngayon."
Sabay isip ng: At ako nagbayad dito sa bahay nung nasa Bicol kayo.
Tatay: "Mamaya ha? Kahit magkano na, kailgan na ng mama mo at para sa iyo din naman yun."
Umakyat si Juan sa kwarto para kunin ang pera na naitabi, syempre napililitan lang siya bayaran yun kasi hindi niya naman priority yon. At ginawa niya lang yon para manahimik ang nanay na buong buhay na nagpapabigat sa buhay ni Juan.
Inabot ni Juanyung pera sa kanyang tatay paglabas ng bahay.
Tatay: "Awts, ito lang? Sige tingnan na lang namin kung madadagdagan."
Gusto sana hingiin ni Juan ang resibo kung nabayaran na kasi sa totoo lang, walang tiwala si Juan sa nanay niyang praning.
Nakalabas na ng bahay si Juan para sumakay sa Tricycle palabas. Pero sa di malamang kadahilanan, pero sa palagay niya dahil pinasunod ng nanay niya ang tatay niya, nakita ni Juan na nasa likod niya sumusunod ang tatay. Pero huli na ang lahat kasi nakasakay na ng Tricycle ang anak.
Juan: "Aw, bahala kayo basta ako nagbigay na, at kahit naman di na matuloy yang [insert bayarin here] ok lang. Kasi mapapagaan pa ang buhay ko."
Naisip ni Juan na medyo selfish ang ginawa niya, pero hindi din, sa kabilang banda, ginagawa naman niya ang lahat para hindi na makakumpronta ang nanay niya na laging kinukuwa ang serbisyo ng tatay niya at ng kapatid niyang nakakatanda para pagtulungan si Juan. Isa na dito ang paguwi ng late at pagtulog ng maaga, pag alis pag weekends at pagtakas sa isang paguusap para lang maiwasan ang mga walang humpay na monologue ng praning na nanay.
Mahirap ang buhay, sabi ni Juan, lalo na pag nakatira ka pa sa bahay at pwedeng pwede na umalis. Kaso, gustuhin niya mang umalis, hindi niya magagawa ito kasi sa walang humpay na kapraningan ng nanay niya.
The end.
Labels: Updates
2 Comments:
tel jaun to moveout na. end of story.
reklamo sya ng reklamo pero wala syang gngwa.
10:20 PM
sino po sila?
6:08 PM
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home