As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Friday, March 09, 2007

Pag-asa ko'y kaakibat ng aking dunong. Doon tayo sa malayo tumingin. Mahalin ang bukas na darating.

Lumalabas nanaman ang pagiging aktibista ko sa mga nakikita ko tuwing gabi. Pag ako nagkaroon ng tsansa, gusto ko talaga maging pulitiko. Pero pano ako magiging pulitiko kung wala ako pera. Hindi naman ako pwede maging artista. Oo, ganyan dito sa atin, tingnan mo si Cesar, senador agad. Kung tutuusin, mas matino pa si Erap, kahit papano dumaan siya sa Mayor. Kelan kaya dadating ang panahon na ang tatakbo ay walang pansariling interes at may ipagmamalaki? Kelan kaya dadating na may mauupo na walang ginawang pandadaya? Kelan? Kung wala nang pinoy na may mabuting hangarin? Kelan natin makakakit na ang nagaapply na hardinero sa mga bahay natin ay isang kano? Nagaaply na yaya sa anak natin ay Mestisa?

Sa totoo lang, sirang sira na ang Pilipinas, kung wala tayong gagawin, walang mangyayari. Isa talaga to kung bakit ayaw ko umalis ng Pilipinas, kasi ayaw ko magamit ng iba ang mga natutunan ko. Pwede mo naman pagyamanin ang skills mo sa Pilipinas, bakit ka pa pupunta ng ibang bansa?

Kung ang mentalidad ng Pilipino ay laging: "Gusto ko makatapos ng pagaaral para makaalis ako ng Pilipinas." Ano mangyayari sa atin? Lalo tayong lulubog. Oo, ang boses ko ay hindi marinig, napakadaming tao ang salungat sa mentalidad ko, pero kahit hindi ito marining, pag nakahanap ako (o maka-kumbinse) ng tao na katulad ko ng pananaw - may pag asa pa. Habang hindi na lang ako ang nag-iisa na ganito ang pagiisip.

Kelan kaya tayo kikilos? Meron ako kaopisina, sabi niya iboboto niya daw yung mga artista tapos aalis na siya dito. Naisip-isip ko na lang na sa edad niyang yun, yun ang naiisip niya. Sa tingin niya, wala na talagang pag asa ang Pilipinas. Bente-uno pa lang ako, pag dating ko rin ba ng ganong edad magiiba ang tingin ko sa Pilipinas? Tatanggapin ko ba na wala na talaga tayong pagasa?

Lahat ng pagbabago, magsisimula sa sarili. Kung hindi nakapokus ang utak mo sa isang bagay, hinding hindi mo to magagawa. Kumilos ka na. Sabi ko nga dati - "An inaudible voice, together with another inaudible voice, might make a louder sound."

Allan for Mayor.


Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home