Disturbing events.
Saturday:
Super, duper, sad nanaman ako. May dumagdag nanaman sa series of very unfortunate events sa aking buhay. Si papa, aalis nanaman. Amp. Pupunta siya ng Dubai. Shempre, sinabi nalang ito sakin at shempre wala na ko magagawa. Lagi naman akong walang say sa mga bagay sa house hold na ito. Amp. Anyways, ganun na nga, aalis na siya sa thursday, at di pa umabot ng sweldo para naman matreat ko sila. Talaga naman oo. Sabi ko, kami na bahala ni kuya at wag na umalis. Pero si Ian kasi nagaaral pa kasi and shempre, di lang naman tuition ang pproblemahin namin. At yung aming munting farm - malayo pa makakuwa ng income yun. Kasi naman eh. Hays talaga. Kala ko pa naman magiging kumpleto nanaman kami. Ano pa kaya ang susunod na ibibigay sakin ni God. Lam niyo ba, madalas na ko sa greenbelt church para magsimba. Hinahabol ko palagi yung 7pm mass.
Haaay... Lagi na lang ba ganito. Pucha.
----
Sunday:
I am getting married!
Lols. Pucha, my friend kasi si mama from Canada. Ayun, nirereto pala kami nila Ian para madali na daw maipetition sa Canada. My kaibigan din akong ganito ang scenario eh - si Bryan. Parang kelangan mo kilalanin yung girl tapos pag ok, di pakasalan mo na. Amp. Big time kasi yung family nila at si Ian, gusto ata ipakasal dun sa 14 year old na kapatid nung 18 year old na nirereto sakin. Amp!
Nyahahahha... Pero to think of it, kahit di ko pa sineseryoso to sa ngayon, pag napetition ko sila mama sa Canada, ok na buhay namin. Kasi may parang ewan na ipapamahala samin don. Di ko pa kuwa yung buong detalye. Sa ngayon daw muna, kaibiganin muna daw namin yung 2. Amp! Talagang feeling ni mama seryoso ako sa ganun eh no. Pero grabe, panalo yung magkapatid eh. Hahahahha... Sama eh no... Pero sa ngayon, amp, ayaw ko pa magpakasal! Shet ah!
Pero panget naman nun no? Parang pinipilit ng 2 party yung mga anak. Kasi tradisyon daw talaga sa ibang bansa yung ganun, kasi uso yung divorce. Pero pano kung mainlove sakin yung anak! (hahahaha) Hindi, pero seriously, parang ayaw ko ng ganun scenario, pero kung paraan yun, para di na umalis si papa - isasacrifice ko na ang puri at kaluluwa ko dun sa liberated kong finacee! Joke. Sa ngayon daw, kaibganin? Amp, pwede na si Ian. Wag na lang ako, at madami pa kong pangarap!
Haaays, naalala ko nanaman tuloy yung pag alis ni papa. Shet.
---
Amp, nagtext sakin. Meron daw ako interview sa Madison Condo sa may Taft, amp. Hehehe, brings back the old times. Meron pala office dun. Cool. Anyways, sige alis na ko. Amp. Mwah, mwah, chup chup.!
Labels: Updates
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home