As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Tuesday, February 28, 2006

Rants on how life sucks for me.

Pucha, kanina umalis ako. Pagbalik ko sa kwarto ko para magbihis, pucha, andun na ung folding bed nung kapatid kong... Well, anyways, isa lang talaga ang ibig sabihin non, wala akong say sa mga bagay bagay dito sa bahay. Wala silang pakeelam sa sasabihin ko. Okay? Leche talagang household to.

Ha-highbladin ako sa mga tao dito eh, puro abnoy. Isa na ko don, feeling ko abnoy na din ako. Taena, kung kelan ako tumanda, dun ako makikipagshare ng kwarto! Leche, pati mga gamit ko, arranged na! So, di ko na alam kung san ung mga gamit ko, kasi nga, naka-arrange na. Changenang yan...

Taena, dapat pala tinuloy ko na yung pagbukod ko eh! Taena, tatagal naman ako siguro ng 3 months sa ipon ko ngayon.

Seriously, i hate this family. Wala akong say sa mga bagay at palagi tingin sayo ng nanay mo mali. Minsan, nakaupo ka na lang sa tabi, tapos magaalburuto sa katulong namin, magsasabi ng "May kalat nanaman! Pwede naman tapon sa basurahan!" Obviously, kahit hindi ako ang nagtapon non, ako pa rin ang pinapatamaan kasi ako lang ang tao dun pati yung katulong.

Siguro pag nilagay ko lahat ng frustrations ko sa bahay dito, taena, di kasya ang buong internet!

Taena!! Badtrip talaga. Ikaw, reader, siguro tingin mo sakin napakasamang anak ano? Well, hindi sa pagmamayabang, pero pag naging anak mo ko napakaswerte mo. Kaya, ampunin mo na ko please? Haaay...

Soon, i will get out of this goddamned hell. Soon.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home