As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Friday, February 24, 2006

Pilipinas, ano nangyari sayo?

Changena... Ano nanaman ba ang nangyayari sa Pilipinas? Kung kelan mejo nakakabawi-bawi na tayo sa ekonomiya, may mga bleep na sumisira... Haaay... Yan nanaman ang mga rally. Kaliwa - kanan rally. Diba commemoration ng EDSA revolution ngayon? Pambabastos ng alaala ng EDSA ang ginawa ng mga loko-lokong nagrarally na yan.

Tapos, eto naman ang malakanyang, pinigilan ang ating freedom of speech sa pagdedeklara ng state of emergency. Para sakin, ito ang pagtatalaga ng malakanyang ng pre-mature na Martial Law. Para sakin lang yon ah.

Meron tayong karapatan na magrally at sumali sa mga kilos-protesta tulad ng sa Ayala. Alam ng lahat yon, pero kita mo yung ginawa ni Gloria? Nag padisperse, di pede yan! Di ko sinasabi na kampi ako sa kahit kanino don, pero bilang mamamayan ng Pilipinas, karapatan ko na magsabi ng aking saloobin sa mga nangyayari sa ating disfunctional na bansa.

Para tayong mga talangka. Umaakyat na nga ang bansa natin sa "basket" ng kahirapan ngunit may mga gagong mga talangka na hinihila tayo pababa.

Putsa, kelan tayo uunlad nyan? Kelan kaya ako gigising ng isang umaga at mga blondie na ang namamasukan bilang katulong sa bahay namin? Asa eh no? Pero, the point is, putsa, wag naman papansin. Kung lahat gusto maging presidente, tumakbo nalang kayo. Wag na magplot pa nung kung ano ano... Taena naman eh.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home