Gancho!
Nasa SM ako kanina para ipatingin yung salamin ko, kasi nagancho ako sa Glorietta, nag-inquire lang ako eh may bayad na. 250 amf, sakit lang eh. Anyways, naisipan ko na lens lang ang ipapalit ko. Ngayon ang modus pala ng mga optical shop e pag may super coating pa yung lens eh mas mahal, pero 1 hour lang kuwa mo na. Pero pag yung super easy to make no-coat salamin, eh 1 week mo pa makukuwa. Pre, mukha ba akong tanga para di ko magets yang mga langyang paek-ek nila?
So ginawa ko, pinili ko yung 300 pesos na walang super-coating na obviously mas madali gawin tapos 1 week ko pa makukuwa. Ayun nga, wala lang ako salamin for one week. Sakit non! Tapos pag-labas ko ng EO na yan, may sumalubong sakin na payatot na lalake. Tinanong niya ako kung may Creditcard ako, eh di talaga ako makakatanggi sa mga tao - ganon ako eh, accomodating. So ayun, nadala ako sa booth nila, na-interview ako and all.
Then dinala niya ako sa HQ nila. Wala daw ako babayaran, mananalo ng Cellphone, Bahay or BMW. Ang mahalaga lang makilala ko yung Berkley na yan - Take note of this line, this will play a part on later parts of my story. So ayun nga, dahil daw may CC ako at 21 na ko, may free bag ako. Ayun, so eto na ang meat ng story. Meron kumausap sakin, si Vic, ngayon etong Vic na to, kung ano-ano ang sinabi sa akin na ka-bullshitan about saving, family, future, security.
All the while, nacaptivate naman ako sa prospect and all, he went to the extreme of showing me celebrities that had done the same - you know, saving for future. As if naman na masta-starstruck ako at mapapa-oo or something sa kung ano man ang offer niya. Tapos iniinsist siya na hindi daw siya ahente or something. Ayon, tapos after siguro ng mga 30 minutes, nilabas niya na ang tunay na pakay - Application Form. Tae, ang prospect pala nito is for me to save money, by getting money from my CC.
Ang pinakamataas na application fee is 11k. Eh langya, san ako kukuwa non? Magbabayad pa ko ng insurance ko na by the way, ginancho rin sakin ni Mama. Ahem. Anyway, ayun nga, so inalok niya sakin yung pinakamababang price, which is 6k kasi di ako kumagat don sa 11k. Earlier, he was telling me na yang mga creditcard na yan charges 3.5% pag di nakabayad (and other devils of CC). Then when I told him na wala akong pambayad sa ngayon, pwede ko naman daw bayaran next month - accumulating 3.5% interest in the process.
So, napailing na lang ako sa panlilinlang ng taenang tao na to. It went to the extreme na tinawag niya na yung Manager niya to explain. Eh ayaw ko talaga, sabi ko sasabihin ko na lang sa colleagues ko or something para naman may purpose yung waste nila ng energy. Biglang sabi naman nung Manager, di daw nila kailangan yon - Eh yung sabi sakin nung lalake kanina eh ang gusto lang naman nila ay makilala sila. So come on! Mukha ba akong tanga?
So nakipagaway na talaga ako ah, 10pm na nito. Buti na lang may kasama pa ako dun na isa pang tao, kundi siguro deads na ko ngayon. Tinayuan ko na sabi ko na di ko na kelangan nung bag, pero ininsist pa rin nila na kunin ko yun at iscratch ko na yung card kung nanalo ako ng cel or something -ang nakuwa ko bag nanaman - eh ang sabi sakin eh either cel, bahay or BMW lang ang makukuwa ko. Pero bakit kaya bag?
Tae, sinarahan na kami ng SM. Ayun, nakipagusap ako dun sa kasama ko at badtrip din siya.
Moral: Taena ng lahat ng mga mangagancho, yun lang.
--
Puta, mukhang nabawasan nga ako. Sabi ni mama, dahil daw nabigay ko ang details ko including ung pinirmahan ko sa raffle (regardless kung di ko tinapos yung form o hindi) na iswipe na nila yun at may bawas na sa account ko.
Tae! May office mate daw siya na ganun ang nangyari. Ngayon tinitingnan ko yung account ko sa net, kaso ang BOBO ng system nila, di ka makapagregister. Langya! Ngayon, pupunta kami ni mama don, at mag uundercover kami.
Pray me luck!
When I thought may pagasa pa ang Pilipinas - mali pala ako. Taena niyo mga opportunista!
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home