Long weekend.
Waw! Long weekend ngayon eh, dati di ako naglolookforward ako sa mga fridays and long weekends pero ngayon, sa di malamang dahilan, gusto ko na agad magfriday kahit monday pa lang.
Anyways, nung friday, kina Cloz nanaman kami after ng DOTA sessions with the Mapua kids namely, Bryan, Hervin, Conrad, Basti, Tacata, Palos (w/ Elaine kaya di nakapaglaro). Kina Cloz, kasama namin ang iba sa mga TM namely, Jesrick, Sanchez, Taning. Wala si Teban at mukhang di na makukumpleto ang Tropang Mapangarap ™. Mejo onti lang nainom ko kasi pagod na rin ako dahil sa work. Kaya naki-laughtrip nanaman ako sa kanila. Ganyan talaga pag kasama ko ang TM, laughtrip lang talaga. Nakakamiss yung grupo namin na yan, lalo na ngayon na malabo na makumpleto na kami.
Ok, so Sunday umuwi na ko samin. Buhay ka palagi kina Cloz kasi ang dami ng pagkain. Hahahaha. Ok, paguwi ko, nadatnan konanaman ang nanay ko at as usual, nag away kami. Hays, lagi na lang ganito. Hindi kami magkaintindihan at mukhang malabo na mapunan ang gap na nagkaroon sa amin. Umiyak nanaman siya kahit mother's day na mother's day. Badtrip kasi eh. Maiintindihan ko lang daw siya pag naging tatay na ako.
Nailabas ko rin sa kanya ang lahat ng galit ko. Mula pagkabata. First time ko pinaglaban ang sarili ko sa kanya. Kasi lagi lang ako nakikinig sa mga masasakit niyang salita. First time ko lumaban ng todo. Nagbabalak na talaga ako umalis dito sa bahay. Ipon na lang onti at sana masuportahan ko na sarili ko.
The damage has been done, there's no turning back. Ngayon wala nang magpapakalma sakin tulad ng dati, so i am on my own. Tuloy tuloy na nga talaga ang pagiging independent ko. Basta, kahit anong ibato sakin ng buhay, lalaban ako.
Help me.
Labels: Updates
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home