As The Wings Of Perfect Flame Glow Out Of Passion.

Wednesday, March 08, 2006

Letse.

bleep, asar nanaman ako sa mga tao dito sa bahay. bleep, nananahimik ako dito babanatan ka ng mga side comments dahil nga kala nila di ako active sa paghahanap ng work ulit. (di kasi nila alam ang technology na tinatawag nating - internet.)

bleep, lalo na yung isa, tapos kanina bumanat nanaman. Tapos sinabi ko, "Sige, isa pang banat, di talaga ako maghahanap." Hahahah. Puro kasi payabang ang pinagagagawa. Actually, mejo gumaganti lang ako ng onti. Wala pakeelam yung nanay ko kung mamatay-matay ulit ako sa stress, ang mahalaga sa kanya, pera. Well, nothing new don.

Natatawa kasi ako, masyado proud sakin. Yung first job ko, sinabi ko na meron na nga, grabe, pagbaba alam na nang buong subdivision. Grabe. Tapos, sobra pagmamalaki, lahat ata ng makitang tao, sinasabihan. Natawa nga ako eh, bumisita yung pinsan ko nung araw na natanggap nga ako, tapos pagbaba ni mama, galing kwarto ko (kasi sinabi ko nga ang balita), grabe talak to the max. Eh pero nung nagaaral ako, asar na asar pa sakin yan, kasi di ako nagaaral, ang lakas ko sa kuryente, nagkakalat daw ako kahit hindi naman etc. Pero nung nagkajob ako, parang anghel sakin yan. Nyahahhaa. Tapos ngayong idle ako, which sinasadya ko, para mapahinga at makapagunwind, hahaha, balik sa dating anyo.

Well, plano ko talaga, pag natanggap na ko sa mga inaapplyan ko, aalis na agad ako dito. Ayaw ko na talaga dito sa impyernong bahay na puno ng mga mapagpanggap at mukhang perang mga tao. Ganyan talaga ang buhay, pag may kelangan pa sayo, anghel yan, pero pag di ka kelangan, wala pakeelam sayo.

Sama ko ba? Siguro, pag lumaki ka katulad ko, maiintindihan mo ko. Ganito lang talaga ako magsalita pagdating sa kanila, pero pag kinausap mo naman mga kaibigan ko, sasabihin niyan... er... mabait ako. Diba friends?

Anyways, gusto ko na lumayas dito. Sabi ko ng asa mga dating post ko, kaya ko tumagal ng three months sa ipon ko. Kaso ang problema, ung phone number sa resume ko e dito. Minsan lang naman sila tumawag sa Cell.

Kaya nga pala ako bumanat kanina ng ganun (see paragraph 2) kasi pagbalik nila mama kung san man sila nanggaling, bumanat si mama: "O, allan, pag sumagot ka na ng phone, sasabihn mo _____ Travel agency" tapos banat si papa: "Dito ka na lang kaya." Palaging ganon yang mga yan, lalo na ung tatay ko, pero alam ko si papa pajoke lang. Pero shempre di naman ako papaganun, kaya bumabanat ako, "OO nga eh, sige dito na lang muna ako." Hahahahhaa, tapos naaasar na yan si mama, sasabihin, "Puro mga walang trabaho!" Hahaha, pero nung may work pa ko, grabe, super pabida sakin... Haaaay...

In summation, sana may makasama akong tao na hati kami sa room. Ung marunong magluto. Nagadvertise amp. Tapos gusto ko sa may makati lang. Tapos di na ko babalik sa impyernong bahay na to.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home